^

PSN Opinyon

Kapalpakan sa idaraos na SEA Games

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

“BEATING the red light”. Ito ngayon ang sitwasyong kumukulapol sa gaganaping 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na ang bansa natin ang host. Kasi halos karamihan sa mga venue na pagdadausan ay hindi pa natatapos kung kaya kahit na 24 oras ang pagtatrabaho nito tiyak na hindi lubusang matatapos.

Katulad nitong Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Complex na pagda­dausan ng iba’t ibang sports ay nasa finishing touch palang. Siguradong magkakahika ang mga players dito dahil sa amoy ng bagong pintura at alikabok, hehehe!

Sa katunayan kahapon nang maglibot ako, may nakita pa akong pinipinturahan pa lang at inaalis pa lang ang mga scaffolding sa paligid. Ang pagdadausan ng Skate Boarding sa Tagaytay ayon sa aking mga kausap ay hindi pa natatapos. Sablay ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) dito at siguradong makakantiyawan tayo sa buong mundo sa paghu-host ng SEA Games. Di ba mga suki?

Eto pa, hindi maayos ang pagtanggap natin ng mga bisita. Mula pa lang kasi sa airport halos tatlong oras nag­hintay ang mga delegado ng Cambodia at East Timor’s Football Squad ng kanilang shuttle service na maghahatid sa kanila sa kanilang mga hotel. Ang matindi nito, nagkaligaw-ligaw pa ang paghahatid sa mga athlete. Na­ihatid ang mga ito sa ibang hotel.

Sa pag-iisyu ng mga media IDs, palpak din dahil ang ibang photojournalist at sport reporters ay hindi nabigyan ng ID at accreditation para makakober ng event.

Ang Vietnam nga nagreklamo matapos bigyan ng media pass ng isang araw. Paano na lang kung sa Clark ka ma-assign, tiyak na ubos ang oras mo sa pag-asikaso pa lang ng media pass.

Para sa kaalaman n’yo mga suki, maraming lugar ang pagdadausan ng SEA Games kung kaya gugugol ng oras bago marating ang event. Sa ngayon na mistulang malaking parking lot ang lahat ng kalye sa mga pagdadausan ng SEA Games tiyak na mangangamote ang mga bisita natin.

Maganda naman ang layunin ng SEA Games para sa ating bansa dahil malaking promotion ito upang dumagsa ang mga turista at investor subalit kung puro kapalpakan ang kanilang mararanasan tiyak na magdadalawang-isip ang mga ito.

Ngunit sa kabila ng kapalpakan ng mga opisyales na humahawak sa SEA Games nanawagan ako na maging hospitable tayo sa mga dayuhan. Bigyan natin sila ng magandang pagtrato at proteksyon para maipadama sa kanila na tayo’y may pagkakaisa tungo sa matahimik na mamamayan. Pabor sa mga negosyante ang SEA Games dahil lalakas ang mga negosyo natin. Lalung-lalo na itong mga itinayong hotel o condominium sa Clark, Pampanga, siguradong magugustuhan ito ng mga dayuhan. Ang resorts natin tiyak na mapupuno at yayabong ang turismo na magbibigay nang malaking taxes sa ating bansa. Kaya mga suki, sama-sama tayong protektahan ang ating mga bisita.

* * *

Isang sumbong ang ipinarating sa akin ukol sa nangyayari sa Bgy. 254, sa may panulukan ng Bambang at Fermin Tubera Sts, Tondo, Manila. Ayon sa sumbong mukhang pera-pera na ang pinaiiral sa pagkuha ng barangay permit, Kasi noon umano nagsimula ito sa P500 lang, laking gulat nila ng umaabot na ito sa P2,000. Naku ha! Chairman Michael Rivera, Sir, pakipaliwanag nga ito sa iyong mga constituent. Kasi nga kung may katotohanan ang sumbong sa akin tiyak na mairereklamo ka sa DILG. Tulong muna bago ang atik, Sir.

Noon, inireklamo ka na dahil sa ginawang alagaan ng mga panabong na manok ang bangketa bukod pa riyan ang pinauupahan mong furniture shop. Ang masakit pa nito ayon sa mga nagrereklamo, hinaharang mo ang mga lineman ng PLDT at cable sa tuwing aakyat ng poste kaya naantala ang serbisyo ng mga ito. At ito pa Chairman,  pakitsek mo rin itong naka-jumper na kuryente malapit sa barangay outpost mo. Aksyunan mo ito agad bago ka nila isumbong sa DILG. Serbisyo muna bago ang paghari-harian upang ang iyong barangay ay lubusang maging tahimik at umasenso. Bukas ang column na ito sa iyong kasagutan.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with