^

PSN Opinyon

First in history

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IBIG ni Speaker Cayetano na siya mismo ang magpaliwanag sa mga batikos ni Senate Minority Leader Franklin Drilon laban sa mga paghahandang ginawa ng Philippine Southeast Asian Games Organizing­ Committee (PHISGOC) kaugnay ng 30th SEA Games simula Nobyembre 30. Si Cayetano ang tinalaga ng Pa­ngulong Duterte bilang chairman ng PHISGOC. Dahil dito, personal siyang humarap sa plenary ng Senado na kung tutuusin ay laban sa protocol. First in history ito.

Malinaw na sinagot ni Cayetano ang lahat ng usisa ni Drilon. Yung tuligsa ni Drilon sa mamahaling kal­dero para sa SEA Games ay hindi na niya halos inung­kat sa kanyang pagtatanong. Magastos talaga ang pagdaraos ng SEA Games. Ito ang pinakamalaki sa kasaysayan ng palaro. Marami ang lugar na pagdara­usan ng mga competitions. Pero kahit na mas maliit pa sa badyet ng Singapore na P15 billion noong 2015 ang badyet ng Pilipinas para SEA Games ngayong taon, nakapaghanda tayo nang maayos at mayroon ng world-class na mga pasilidad tulad ng mga naka-ready na sa New Clark City. 

P7.5 billion ang badyet na hiniling para sa SEA Games, pero tinapyasan pa ito ng Senado dahil na rin sa udyok ni Drilon, ng P2.5 billion. Nadagdagan lang ito ng P1 billion pa dahil sumaklolo ang Office of the President at bukod diyan ay nangalap ng mga sponsor ang PHISGOC para masalo ang iba pang gastusin. 

Yung kaldero namang sinasabi ni Drilon na nagka­kahalaga raw ng P50 million ay P45 million ang tunay na halaga, at gawa ng ating National Artist for Architec­ture na si Bobby Mañosa. Itinuturing itong work of art ng isa sa ating mga national artist kaya’t mahalagang bahagi ito ng ating kultura at kasaysayan. Kung tutuusin ay hindi mapapantayan ang halaga nito. Ang Singapore ay gumastos ng P63 million para sa kanilang SEA Games cauldron na hindi naman nila maipagmamalaking gawa ng isang national artist. 

Tungkol sa pinatayong first-class sports facilities sa New Clark City, di ba matagal nang nagiingay ang mga pultiko natin na kesyo pinababayaan daw ng pamahalaan ang ating mga atleta kaya’t kailangan pang pumunta sa ibang bansa para makapagtraining nang maayos? Ngayong meron nang world-class na sports complex sa New Clark City at pati na rin mga tirahan ng mga atletang magtetraining doon,  may reklamo pa rin? Senador Drilon, ano ba talaga ang gusto mo? 

Nang maipaliwanag ng maayos at malinaw ni Cayetano ang lahat ng puntong inungkat ng Senador, nag-iba na ang ihip ng hangin. Binigyang diin ni Drilon na wala siyang sinasabing overpricing at sinabi pang kilala niya ang matatag na posisyon ni Cayetano laban sa korapsyon kaya’t tiyak siyang walang anomalya sa paggastos ng pondo sa SEA Games. 

Si Cayetano ang itinalaga ng Pangulong Duterte sa PHISGOC dahil batid niyang magiging malinis at walang bahid ng korapsyon ang pamamahala ng pondo para sa SEA Games kung si Cayetano ang magiging chairman ng Committee. Walang lugar ang grandstanding kung national pride at karangalan na ng ating bansa ang pinag-uusapan. Tama na ang pamumulitika. Manahimik na lang ang ayaw tumulong.

vuukle comment

FRANKLIN DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with