^

PSN Opinyon

Jueteng at Suertres, namamayagpag!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

WALA sa mandato ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang paghabol sa jueteng at Suertres na nagsulputan sa bansa kung saan walang Small Town Lottery (STL) operation. Ito ang paglilinaw ni PCSO chair­woman Royina Garma matapos tanungin kung bakit wala silang action laban sa jueteng at Suertres.

Sa pakikipag-usap sa media noong Biyernes, sinabi ni Garma na ang jueteng at Suertres ay kapulisan ang may mando. Puwede lang pumasok ang PCSO kapag may STL ope­ration sa isang lugar na ang ibig sabihin, itsa-puera ang jueteng at Suertres. Arok n’yo ba mga kosa? Subalit hindi naman PCSO ang manghuhuli kundi PNP at NBI pa rin. Kaya sa ngayon, namamayagpag ang jueteng nina Areza sa Cavite at Jun sa Albay at ang Suertres ng Sinsilyo sa Cebu City kasi nga tila bulag at pipi ang kapulisan sa naturang mga lalawigan.

Ayon sa sumbong na ipinarating­ sa akin, ang jueteng ni Areza sa Cavite ay saklaw ni PRO4-A director Brig. Gen. Vic Danao, ang kay Jun sa Albay ay kay PRO5 director Brig. Gen. Anthony Alcañeses, samantalang ang Suertres naman sa Cebu City ay kay Brig. Gen. Val de Leon. Tiniyak ng aking mga ka­usap na pasok kina Danao, Alcañeses at De Leon ang jueteng at Suertres dahil hindi naman sila kumikilos para ipatupad ang “no take” policy ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa. Wow ha!

Kung sino pa ang malapit kay Pres. Rodrigo Duterte siya pa ang naging tampulan ngayon ng intriga dahil lamang sa walang aksyon kontra jueteng, hehehe! Puro pananakot lang ang “no take” na mensahe ni Gamboa. Ang ibig bang ipahiwatig ng aking mga kausap na kapag si Gamboa na ang mahirang na PNP chief, lalong lalaganap ang jueteng at Suertres sa bansa? Kawawa ang PCSO dahil liliit ang kita dahil ang yayabong na ne­gosyo ay sa mga ilegalista na jueteng at Suertres.

Sa­mantala sa Central Visayas naman, may isang lalaki na nagpakilalang dating consultant ni PCSO general manager Alex Balutan, na nagpatawag ng gambling lords at humihingi ng “goodwil” para kay De Leon.

Siyempre, milyones ang usapan at ang masama pa, sinisiraan nito si Garma sa media. Hinahalungkat ni Garma kung ano ang papel ng lalaki sa PCSO at bakit galit sa kanya, hehehe! Ang unang natuklasan ni Garma, kinokopo pala ng bata ni Balutan ang budget para sa media kaya walang positibong PR na lumalabas sa radyo, TV at diyaryo ang ahensiya. Pinag-aaralan ngayon ng PCSO kung paano kakasuhan ang loko.

Kanya-kanyang weder lang talaga! Iyan ang pinakaabangan ng mga suki ko na sina Christ Villanueva, Ness Carcueva, Cristina Conde, Mercedes Grandiano, Josephine Camay, Rto-Maricel Botia at Dennis Decena  ng Cellprime Agency ng Bogo City, Cebu, hehehe! Nakatutuwa naman na kahit pala sa malayong lugar, may sumusubaybay pa rin sa aking BANAT. Salamat mga suki!

Sinabi ni Garma na kahit maraming STL operators ang hindi nakapagbayad ng kanilang PMRR sa nakaraang liderato, tuloy din naman ang pag-remit nila ng tulong sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng CHED na 1 percent ang tinatanggap quarterly.

Sa Philippine Red Cross naman ay P10 million yearly at P10 miliion din sa operation dengue. Sa Dangerous Drugs Board (DDB) naman ay P200,000 na lang para mapunuan nila ang P1 bilyon budget na nakaatang sa PCSO. Nagbigay din ang PCSO ng P23 milyon para sa mga magsasaka sa Cagayan at malaki rin ang ayuda nila sa simbahan at orphanage, hehehe! Sa sunod naman mga suki ang iba pang natulungan ng PCSO. Abangan!

vuukle comment

ROYINA GARMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with