^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming aksidente sa kalsada

Philstar.com
EDITORYAL - Daming aksidente sa kalsada

KAHAPON, isang pampasaherong jeepney ang nawalan ng preno sa Rodriguez, Rizal, na iki­namatay ng isang pasahero at ikinasugat nang marami pang iba. Punumpuno umano ang jeepney at palusong nang mawalan ng preno.

Noong nakaraang linggo, isang van at pampa­saherong bus ang nagbanggaan sa Quezon na iki­namatay ng mga sakay ng van. May iniwasan umano ang bus kaya nabangga ang van.

Kamakalawa, isang motorcycle rider ang puma­ilalim sa isang trailer truck sa Bonifacio Drive. Big­lang sumingit ang rider sa kanang bahagi at nahagip siya ng truck sa pagpihit nito. Patay ang rider.

Sa report ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG), apat katao ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente sa kalsada. Mula Enero hanggang Setyembre ng taon na ito, umabot na sa 9,663 ang naitalang aksidente sa kalsada at nagresulta ito sa pagkamatay ng 1,186 katao. Ang Pebrero ang may pinakamaraming na­matay, 188 at sinundan ng Setyembre, 186 at Abril, 161.

Ayon sa HPG, karaniwang dahilan ng aksidente ay ang reckless driving. Marami umano ang nagkakamali sa pag-o-overtake kaya nababanga ang nasa kabilang lane. Marami rin ang naaaksidente dahil sa overspeeding. Karaniwan ding dahilan ay ang pagmamaneho ng lasing at ang paggamit ng cell phone habang nagmamaneho.

Isinisisi rin naman ang masamang kondisyon ng mga kalsada at kawalan ng mga signages. Sabi ng HPG, kung mapapanatili ng mga driver ang safe na pagmamaneho, maiiwasan ang mga aksidente.

Isa sa magandang dapat gawin ng Land Transportation Office (LTO) ay idaan sa butas ng kara­yom ang pagkuha ng driver’s license. Marami ang nakakakuha ng lisensiya kahit walang kasanayan sa pagmamaneho. Maghigpit ang LTO para walang masangkot sa aksidente.

vuukle comment

JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with