^

PSN Opinyon

VP Leni hanapin mga ‘ninja cops’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TINANGGAP na ni VP Leni ang basbas ni Boss Digong para sa ibinigay na bagong posisyon ng una sa gobierno.

Mukhang magiging aktibo si VP Leni sa bago niyang posisyon ang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o iyakan este mali ICAD pala.

Sa palagay ni VP Leni, naniniwala siyang marami ang mahuhuling droga, adik at pusher sa kanyang panahon kaysa mga mamamatay?

Sabi nga, extrajudicial killings?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi matitigil ang pagdami ng droga sa Philippines my Philippines hangga’t pakuya-kuyakoy ang mga nagtatagong ninja cops.

Bakit?

Hindi kasi hinahanap ang ibang bigtime ninja cops.

Sabi nga, nasaan ang mga ninja cops?

Hindi ba may ipinalabas na ninja cops matrix si Boss Digong.

Ang dami nila, sa iba’t ibang mga probinsiya pa nag-oo­perate kasangkot ang mga tiwaling taga-gobierno, echetera.

Ano na ang nangyari dito?

‘Yong mga bigtime ninja cops nagtatago up to now hindi sila mahuli-huli.

Bakit?

Kulang ba ang intel funds ng PNP o AFP kaya nagtatawa ang mga nagtatagong mga bigtime ninja cops?

Imposible kasing hindi nila kilala ang mga ninja cops, may mga pangalan at litrato ito noon sa drug matrix ni Boss Digong.

Kasabwat kaya ang ilang autoridad kaya nawi-windang ang hulihan blues operation?

Ano ba ito?

Siguro ito ang pagtuunan ng pansin ni VP Leni, ang hulihin ang mga nagtatagong ninja cops.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa kanila ay nag-AWOL at mangilan-ngilan naman ang namatay.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, madalas makita ang mga ninja cops sa mga casino, sabungan at iba pang sugalan dahil dito sila nagbababad.

Sabi nga, money laundering!

Madali silang makita porke may mga CCTV camera sa mga nabanggit na lugar at hindi lang basta camera, matatalas pa ang mga lente nito.

Mas matutuwa ang madlang people kung mahuhuli ang ibang ninja cops.

Sana!

Tutal natakpan na ang isyu tungkol sa 13 Pampanga ninja cops, siguro dapat hindi na mag-zero in ang mga authorities dito kasi nga kinasuhan na.

Ang mas mainam VP Leni, ipahanap ninyo ang iba pang ninja cops na nagsisiksikan sa mga lungga nila tulad nina “Acierto” at “Fajardo”.

Abangan.

vuukle comment

INTER-AGENCY COMMITTEE ON ANTI-ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with