^

PSN Opinyon

Simula nang magandang samahan nina Digong at Leni

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ISA ako sa mga natuwa sa pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa inialok na posisyon sa kanya ni Pres. Digong Duterte, bilang isang co-chair ng Inter-Agency Against Illegal Drugs (ICAD). Meron ilang pumuna at nagsabing hindi kakayanin ni Leni ang trabaho pero ang sa akin naman, bakit ‘di natin subukan? Bigyan ng pagkakataon si Leni bago husgahan.

Yung mga duda na hindi siya magtatagumpay bilang co-chair ng ICAD ay isantabi muna hayaan muna nating magtrabaho si Leni bago natin husgahan huwag pangunahan o maliitin man lang ang kakayahan niya alalahanin natin tulad ni Pres. Digong si Leni rin ay nagtapos ng abogasya. Di naman siguro niya hahayaang pumalpak ang trabaho dahil buong ahensiya ang mapapahiya. Hindi naman siguro papasanin lahat ng trabaho kundi tutulong lang siya sa pagpapatupad ng polisiya. Siyempre kaila-ngan pa rin siyang tulungan ng mga kasamahan.

Para sa akin hindi nagkamali si Digong na kunin si Leni bilang co-chair ng ICAD. Malay natin ito na ang maging simula nila ng magandang samahan at magkasundo na nang tuluyan. Maiiwasan na ang patutsadahan sa bawat isa. Hindi rin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, magkakasundo ang gobyerno at simbahan. Yan ang ma-laking hamon kay Leni kung sakaling gawin siyang tulay ng pagkakasundo ni Digong at ng ating mga kaparian.

Sa panahon ngayon, hindi natin dapat maliitin ang kakayahan ng mga babae. Marami na ring lider na babae ngayon sa buong mundo. Ngayon pantay na ang babae at lalaking lider ‘di tulad noon panahon na nasa likod lang nating mga lalaki ang mga babae. Kung ano ang nagagawa natin ngayong mga lalaki ay kaya nang higitan ng mga babae.

Sana mapagtagumpayan ni Leni ang bagong hamon sa kanya.

vuukle comment

INTER-AGENCY AGAINST ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with