^

PSN Opinyon

Zero killing? impossible goal

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BILANG co-chair ng Inter-Agency Against Illegal Drugs (ICAD), target daw ni Vice President Leni Robredo ang “zero killing”. Mukhang malabo iyan.

Sa ano mang drug raid na isasagawa ng mga awtoridad, mayroong tiyak na manlalaban. Armado rin ang mga miyembro ng sindikato sa droga at handang makipagpatayan sa mga tumutugis sa kanila.

Ang dapat marahil hangarin ni VP bilang drug czarina ay tiyakin na kung may mamamatay mang pushers o ma­laking drug trader, ito’y lehitimong napatay dahil nagtatanggol lang ang tagapagpatupad ng batas sa sarili niyang buhay.

Dapat ding targetin ng Vice President ang pagdakip­ sa mga malalaking drug lords upang hindi lamang yung mga maliliit na nagtitingi ang siyang nahuhuli. Iyan na­man­ ang ating inirereklamo di ba? Bakit puro magtitingi at adik lang ang nabibiktima ng tokhang at yung mga mala­la­king drug lord ay nananatili sa laya. O kaya, maku­long man, patuloy pa rin nakakapagnegosyo ng ilegal sa loob ng kulungan.

Nauna nang sinabi ni Presidente Duterte na hindi ma­daling timbugin ang mga big time drug lords dahil ang mga ito ay maaaring nagtatago sa ibang bansa o naka­kapagtago dahil sila ay maraming pera at maraming puprotekta sa kanila.

Okay ang hangarin ni VP Leni na “zero killing” pero impo­sibleng mangyari. Kaya dapat isulong ang paggamit ng body camera ng mga opertiba ng batas upang mai-record ang bawat enkuwentro nila sa mga kriminal. Ano nga ba ang nangyari sa panukalang ito, naipatutupad ba?

Hindi kasi puwedeng huminahon ang isang pulis kung amba na siyang papatayin ng tinutugis na kriminal. Katunayan nga, hindi lang naman kriminal ang napapaslang sa mga operasyon kundi pati mga alagad ng batas.

vuukle comment

INTER-AGENCY AGAINST ILLEGAL DRUGS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with