^

PSN Opinyon

Haring ‘pusa’ wala, mga dagang korap namayagpag

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses na ring padaan-daan ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Manila mula nang umupo ang Ha­ring ‘pusa’ kaya naman tuwang-tuwa sila sa galak dahil bukod sa nalinis ang mga masisikip na kalye sa anim na distrito ng Maynila, naging disiplinado pa ang ibang madlang people dito.

Ika nga, kanya-kanyang diskarte kung paano lilinis ang kanilang dating masikip na lugar at naggigitata sa mga basura.

Sa madaling salita, naalis ang bantot ng kanilang lugar!

Sabi nga, ang basura ninyo sa harap ay itapon ninyo sa likod este mali basura pala!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dating mabahong mga lugar ay gumanda ang amoy simula nang ipalinis ng Haring ‘pusa’ ang area of responsibilities nito sa mga barangay people.

Walang incentives sa ngayon na ibibigay pero mukhang may sorpresang inihahanda ang mga kaalyado ni Haring ‘pusa.

Wow hanep ito!

Halos hindi natutulog ang Haring ‘pusa’ kaya  naman ang mga kurap na daga ay hindi makalabas ng kanilang mga lungga dahil sa takot na kagatin sila nito?

Kambiyo issue, yesterday dumaan ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Maynila going to airport dahil grabe ang traffic sa EDSA, na mistulang “multi-parking area”.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ang luwag sa Quezon Ave, papuntang España, from España to Quiapo at ganoon din pero after the Quiapo bridge going to Lawton ay grabe ang traffic.

Bakit?

Nagbalagbagan ang mga dambuhalang bus na naghihintay ng mga pasahero sa Lawton.

Ika nga, binuhay ang Lawton illegal terminal?

Ano ang naging problema?

Wala ang Haring ‘pusa’ sa Maynila kaya ang mga korap na daga ay giliw na giliw sa pamemera?

Mula sa harap ng Manila City Hall going to United Nations ay nagmistulang mga kabute ang mga pedicab drivers na naghambalan ang mga dalang bisekleta sa kanto ng UN at Taft Avenue na nagbababa ng mga pasahero at nag-iintay naman ang ilan sa mga ito.

Mistulang mga ‘maton’ ang mga lintek na ito!

Naka-counter flow pa ang mga kamote.

Ano ang mga ginagawa ng mga traffic enforcers habang wala si Haring ‘pusa’ sa Maynila?

Mukhang nakasahod at naghihintay ng tubig ulan ang mga lagapot. Hehehe!

Ano kaya ang mabuti sa mga hunghang na mga ito?

Abangan.

Magkano kaya sa Kamara?

SA wakas mukhang bubunot na rin ang mga kongresista ng pitsa para bigyan ang mga biktima ng lindol sa Mindanao?

Ika nga, huli man daw at magaling ay naihahabol din.

‘yun nga lang late! Hehehe.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may giant Christmas Tree sa Kongreso na iilawan para sa pagha­handa ng Kamara sa nalalapit na Kapaskuhan.

Sana sa puntong ito, unahin muna nila ang kanilang donation sa mga naapektuhan at naghihikahos na biktima ng earthquake sa Mindanao.

Bakit?

Hindi kasi biro ang nangyari doon pati na ang lugar ni Boss Digong, ang Davao.

Ano sa palagay ninyo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Basta ang alam ko si Manila City Mayor Isko, kulang sa P40 million ang ibinigay na donasyon sa mga nilindol sa Mindanao mula sa kanyang sariling atik.

Abangan.

vuukle comment

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with