^

PSN Opinyon

Mapayapa ang Undas

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

EPEKTIBO ang kautusan ni DILG secretary Eduardo Año sa local government units (LGUs) na linisin ang loob at labas ng mga sementeryo sa buong bansa at pati mga kalye upang maging mabilis at ligtas ang mamamayan.

Dahil diyan, napaka-peaceful ang paggunita ng Undas sa kapuluan. Tumalima ang mga mayor sa takot na masuspinde.

Halimbawa na lamang sa Manila North Cemetery, lahat ng mga ilegal na tindahan at mga barung-barong sa loob nito ay winasak kaya lumuwag doon. Hindi naman ito maisasakatuparan kung hindi kikilos ang kapulisan sa utos ng mga mayor dahil kung ang mga empleyado lamang ang kikilos sa paggiba sa mga illegal structures na umuukopa sa mga nitso, walang saysay dahil papalagan sila at malalagay pa sa kapahamakan. Kaya nang umarangkada na ang kapulisan kasama ang mga empleyado ng city hall, giniba lahat ang mga barung-barong at nawala ang sagabal sa sementeryo. Naging maayos ang mga daraanan ng mga bumibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Nag-iyakan naman ang mga tindera ng bulaklak, kandila at mga kakanin dahil nawalan sila ng pagkakakitaan. Ngunit may katigasan ang ulo ng ilan dahil kahit alam nilang bawal nagpumilit pa rin kaya hinuli sila at sinampahan ng kaso. Ang 5 vendors na hinuli ay hinarap mismo ni Manila mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Manila North Cemetery. May nagtinda ng alak na isinilid sa cooler subalit hindi nakalusot sa mga pulis.

Kahit na anong pilit ng mga nahuling vendors na wala silang alam na hanapbuhay kundi ang pagtitinda, hindi pa rin sila pinagbigyan ni Isko at tinuluyang kasuhan para magbago ang mga ito. Kaya lahat ng mga bumisita ay labis ang katuwaan dahil naging maayos, malinis at ligtas ang kanilang pamamalagi sa sementeryo kahit na inabot pa sila nang malakas na ulan.

Sa labas ng sementeryo ay naging maluwag ang mga kalye dahil sa pagmamando ng mga pulis at Highway Patrol Group. Magiging halimbawa na ang kaayusan sa tuwing sasapit ang Undas. Malinaw na hindi kumita ang mga pulis at buwaya sa city hall kaya naging mapayapa ang Undas.

Samantala, sino itong nagpapakilalang kolektor ng Manila Police District sa mga pasugalan at putahan sa Maynila? Ayon sa aking espiya, isang Sgt. Delo delos Reyes ang ginagamit sa paglilibot sa mga ilegalista. Hindi papayag si Isko na may kolektor na papasok sa Maynila para maghasik ng kahihiyan sa lungsod. Lahat nang illegal ay binawal ni Isko. Maging vendors ay hindi na uubrang kolektahan ng mga pulis. Kung naging maayos ang kapaligiran ng Maynila hindi ito dahil sa datung na galing sa manininda sa Divisoria, Blumentritt, Quiapo at Paco. Abangan.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with