^

PSN Opinyon

Nais ng China na isuko natin ang West Philippine Sea

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TUSO si Chinese President Xi Jinping. Sa panukalang hatian ng kita na 60% sa Pilipinas at 40% sa China ng mamiminang langis sa Recto Bank, papayag lang daw siya sa isang kondisyon. Dapat daw talikuran muna ng Pilipinas ang pagkakapanalo sa UN arbitration sa South China Sea.

Sobrang ganid ni Xi. Ang langis (at pagkaing dagat) sa Recto Bank ay pag-aari ng Pilipinas. Nasa loob ito ng 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas, sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea. Lampas nang 650 milya ‘yon mula sa sariling EEZ ng China. Inimbitahan lang sila ng Pilipinas na tumulong minahin ang Recto Bank sa hatiang 60:40. Iniabot ng Pilipinas ang kamay, sinasakmal ng Beijing ang braso.

Inaangkin ng Beijing ang buong South China Sea -- hindi lang ang EEZ ng Pilipinas kundi pati EEZs ng Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia, at Taiwan. Kanila  raw lahat ng minerals at isda. Batay daw ito sa “nine-dash line” ng sinaunang panahong boundary ng China.

Ibinasura ng UN Permanent Court of Arbitration sa The Hague nu’ng Hulyo 2016 ang “nine-dash line” ng Beijing. Imbentong kasaysayan lang ito, anang korte. Kaya pinasya na labag sa international law ang pananakot ng Chinese Navy at Coast Guard sa oil exploration vessels ng Pilipinas sa Recto Bank. Labag din ang pag-agaw ng Beijing sa Scarborough Shoal na nasa loob din ng Philippine EEZ. Labag pati ang pagkongkreto ng pitong bahura bilang Chinese artificial island-fortresses sa EEZ at extended continental shelf ng Pilipinas.

Mahalaga ang arbitral ruling. Regalo ito ng Pilipinas sa mundo, ani ex-foreign secretary Albert del Rosario, dahil lininaw ang karapatan ng maliliit na bansa laban sa kriminal at abusadong world powers.

Mag-ingat si President Rody Duterte. Nananakot si Xi ng “gulo” kung igigiit ng Pilipinas ang EEZ at arbitral ruling. Muling paglabag ito ni Xi sa international law at UN Charter laban sa pananakot. Ihabla muli ang Beijing, payo ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.

vuukle comment

XI JINPING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with