^

PSN Opinyon

Lindol sa Mindanao

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LIBONG tao ang apektado sa tatlong magkakasunod na lindol sa Mindanao at milyong pisong halaga ng ari-arian ang napinsala. Maging ang bahay ni Pres. Rodrigo Duterte ay nagkabitak-bitak ang pader ganunman, ligtas naman ang Presidente at ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa kasalukuyan umaabot na sa 14 ang namatay at marami ang naitalang sugatan matapos mabagsakan ng mga gumuhong bahay o gusali. Dahil sa walang patid na earthquake drill kaya marami ang nakaligtas. Ngunit may ilan pa ring kababayan na mas inuuna ang kabuktutan. Ang ilan sa mga ito ay gumagawa ng maling website para makahuthot ng pera.

Kung dadamay sa kapwa at gustong makarating sa dapat bigyan, ilapit na lamang ninyo sa mga tanggapan ng DSWD. Hindi rin pahuhuli ang Philippine Coast Guard pagdating sa transportasyon. Maari n’yong ideretso sa PCG headquarters ang inyong tulong. Makakarating at mapapakinabangan ito ng mga naapektuhan ng lindol. Personal na pangangasiwaan ‘yan ng bagong talagang PCG Commandant na si Vice Admiral Joel Garcia. Nanawagan si Garcia sa mga organization na gustong magbigay ng tulong sa mga nalindol, handa rin ang PCG na hakutin at i-transport ito upang mapabilis at mapadali ang pamumudmod ng tulong sa mga biktima.

Hindi pa lubos na nalalaman ang pinsala ng lindol sa Mindanao may panibagong trahedya na naman kung saan 19 ang patay at 22 ang sugatan nang pumalya ang makina at mawalan ng preno ang isang Isuzu Elf na may 70 pasahero bukod pa sa kargang palay at mais sa Gassud, Barangay Karikitan, Corner Town, Apayao. Kamalasan ang iniwan ng Oktubre mga suki, kaya ingat po at huwag kalimutan na dumalangin sa Diyos. 

* * *

Nagsimula kahapon ang Jehovah’s Witnesses International Convention na ginanap sa Mall of Asia, Pasay City. Dinaluhan ito ng may 67 bansa na may kabuuang 5,455 delegado, may 9,900 naman na mula sa North/South Luzon, Visayas at Mindanao at ang mga delegado naman ng Metro Manila na humigit kumulang sa 5,300. Malaking bagay itong convention ng Jehovah dahil bukod sa pangaral nito sa relihiyon ay makakaambag naman ito sa ating turismo. Sa pagdagsa ng mga delegado na mula sa 67 bansa tiyak na aapaw ang mga hotel at restaurant at dagdag sa koleksiyon ng buwis. Malaking ambag ito sa hanapbuhay ng mga kababayan dahil ang mga delegado ay maglilibot sa mga magagandang lugar sa bansa. Ang kailangan lamang dito ay ang kooperasyon ng sambayanan. Ang pagiging hospitality ng Pinoy ang dapat na mangibabaw dahil siguradong ibabalita nila ang karanasan sa ilang araw na pamamalagi sa bansa.

Ayon kay Dean Jacek, Director of Communication, tinatayang 30,000 delegado at miyembro ang dadagsa sa convention sa MOA. Tiyak na magiging mabili ang Barong Tagalog at Pilipina dress dahil ito ang napupusuan ng mga foreign delegates. Coordinated ang event sa local officials at maging sa law enforcers kaya magiging maayos ang pagtitipon.  Mula sa airport hanggang MOA, may nakatalagang Jehovah volunteers na mag-aasiste sa mga delegado upang masiguro ang kaayusan. Ang mga delegado mula sa ibang bansa ay may kanya-kanyang escort upang magabayan ang mga ito. Ang lahat ay inaanyahan ni  Normito Zapata Jr, local spokesman, na saksihan ang kanilang pagtitipon at ang pagbinyag sa 500 myembro ng Jehovah.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with