^

PSN Opinyon

NBI na raw

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SANG-AYON ako sa utos ni Pres. Rodrigo Duterte na ang NBI na ang humawak ng imbestigasyon sa pagpatay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro. Nasa kustodiya ng mga pulis si Navarro nang mapatay. Nagpahiwatig pa nga si Duterte na baka mga pulis ang pumatay dito. Dinadala sa prosecutor si Navarro nang harangin ang kanilang sasakyan ng mga armadong tao at pinagbabaril. Wala akong nabasa na nakipagbarilan ang mga pulis na escort.

Baka naman may sumunod sa utos ni Duterte na “patayin lahat”? Nasa narcolist si Navarro pero nakipagkita kay Duterte dalawang linggo bago pinatay at nagpaliwanag na hindi siya sangkot sa iligal na droga. Inamin pa ni Duterte na sinuportahan siya sa huling halalan. Kaya palaisipan pa rin kung sino ang nasa likod sa kabila ng pahayag ng PNP na baka organisadong krimen, droga o negosyo.

Sa totoo lang, marami ang naniniwala na dahil nasa narcolist si Navarro kaya pinatay. Nakakita ng pagkaka­taon na mapatay siya. Alam ang kilos ng mga pulis. Baka alam na hindi nga makagaganti ng putok ang mga ito. Idagdag na lang si Navarro sa mga napatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa nagpapatuloy na debate kung matagumpay ang drug war o hindi, patuloy rin ang mga napapatay. Sa tingin ko may “whiff of involvement” sa iligal na droga na maaaring sapat na dahilan para malagay ang buhay sa peligro. Kahit nasa kustodiya pa ng mga pulis.

vuukle comment

DAVID NAVARRO

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with