^

PSN Opinyon

Taas-sahod ng mga pulis ‘di solusyon sa korapsyon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NOON pa mang araw na inanunsyo ni Presidente Duterte ang pagtataas sa suweldo ng mga pulis upang puksain ang korapsyon, mayroon na akong duda kung ito nga ang tamang solusyon sa problema.

Bakit? Kasi, ang limpak-limpak na milyones na kini­kita ng mga pulis sa katiwalian ay hindi matutumbasan ng ano mang karagdagang sahod na ibibigay sa kanila. Kaya bang ibigay ng pamahalaan ang mga pribilehiyo tulad ng mamahaling luxury vehicles bukod pa sa nakalululang komisyon sa pagbebenta ng shabu? Kung gagawin iyan, wala nang matitira sa pambansang budget.

Ang pinakawastong hakbang ay hindi umento kundi seryoso at walang kinikilingang prosecution at paghahatol sa mga nagkakasalang unipormadong tauhan ng pulisya, at ang pagpapataw ng pinakamabigat na parusa. Kung mayroon pang parusang bitay, Iyan ang dapat ilapat sa mga pulis na kriminal.

Gaunpaman, sa laki ng sinasalok na salapi sa pa­nga­ngalakal ng droga, sino ang magpapanagot at uusig sa mga bugok na kagawad ng pulisya? Maaaring sila man ay masilaw sa perang itatapal sa kanila. Kahit may ilang may prinsipyo na hindi magpapasilaw sa kinang ng salapi, baka madaig sila ng nakararaming gahaman. Huwag naman sana mangyari.

Palagay ko naman, sa laki ng media exposure ng usaping ito, ang lahat ng awtoridad ay magiging ma­ingat na sa kanilang aksyon para ‘di makaladkad sa issue ang pangalan.

Ipinauubaya na raw ni Presidente Duterte sa Ombudsman ang pag-uusig sa mga tinatawag na “Ninja Cops” na ipinagharap na ng karampatang sakdal. Isi­nama ng Criminal Investigation and Detection Group noon Lunes sa inamyendahang reklamo si dating PNP Chief Oscar Albayalde at 13 iba pang pulis na dawit umano sa kontrobersyal na Pampanga drug raid noon taong  2013. Inakusahan si Albayalde ng paglabag sa Section 27, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Harinawang mabuti para sa bansa ang ibubungang ito ng panimulang hakbang ng pamahalaan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with