^

PSN Opinyon

Philhealth ‘crisis’ nalutas na nga ba?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGING malaking problema ang isyu ng hindi pagre­remit ng Philhealth ng kabayaran ng mga pasyenteng saklaw ng coverage nito sa mga pribadong pagamutan.

Siyempre, paano mo aasahan ang mga pagamutan na balikatin ang gastos sa pagpapagamot ng mga bene­pis­yaryo kung hindi sila nakakasingil sa gobyernong may pananagutang ipagkaloob ang health and medical needs ng mga mamamayan?

Ngunit sang-ayon kay Senator Bong Go, nagkasundo na ang pamahalaan at mga private hospitals na tuldukan na ang problema. Tama lang dahil ang delivery ng panga­ngailangang pangkalusugan sa mga taumbayan ay hindi puwedeng mabalam. Si Sen. Go ang chairman ng Senate committee on health.

Ani Go, nag-usap na ang  Philippine Health Insurance­ at mga kinatawan ng mga pagamutan at nagkasundong reresolbahin ang malaon nang isyu. Ngunit sa paanong paraan? Nag-promissory note ba ang pamahalaan na babayaran nito ang bilyones na pagkakautang sa mga ospital? Kung gayun dapat agarang tuparin ng pamahalaan ang pangakong magbabayad at kung hindi ay back to square one ang problema.

Sabi ni Go, nagkasundo ang pamahalaan at mga paga­­mutan na tukuyin at puksain ang pinagmumulan ng mga fraudulent claims na natural lang na ‘di kilalanin ng Phi­l­health. Pero bakit nagkakaroon ng mga fraudulent claims?

Ang sagot sa tanong na ‘yan ay mismanagement and corruption. Kung well-managed ang takbo ng Philhealth, walang puwedeng magpalusot para magkaroon ng mga hindi awtorisadong paniningil. Kung sino ang dapat panagutin sa katiwaliang ‘yan ang dapat matakot kaagad at lapatan ng parusa sila man ay nasa panig ng pamahalaan o ng mga pagamutan. Walang magaganap na kati­­walian kung walang kutsabahan.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with