^

PSN Opinyon

Lusot sa rape

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

Hindi naniwala ang korte sa depensa ni Michael at hinatulan siya ng habambuhay na pagkakulong para sa krimen ng rape. Pinagbabayad din siya ng danyos. Pareho ang naging hatol ng Court of Appeals.

Pero nang umapela sa Supreme Court, binaliktad ng SC ang hatol ng RTC at CA dahil sa kakulangan ng pruweba na ginawa niya ang krimen. Ayon pa sa SC, kahit pa dinidikta na respetuhin nila ang tinatawag na “factual findings” ng RTC at CA ay hindi naman uubra na gamitin ito sa naturang kaso. Natatangi ang kasong ito dahil sa hindi pagkakatugma ng mga detalye at ebidensiya ng mga testigo ng prosekusyon. Taliwas ito sa ordinaryong karanasan ng tao kaya’t mahirap makita ang katotohanan sa nangyari.

Kinasuhan si Michael ng rape dahil pinagsamantalahan daw niya ang isang walang malay na babae at malinaw na paglabag ito alinsunod sa batas (Art. 335 Revised Penal Code as amended by Section 11, RA 7659). 

Pero ayon sa SC, hindi tumutugma ang testimonya ni Lexa sa kanyang salaysay na ginawa, ilang oras lang matapos mangyari ang krimen. Sa kanyang salaysay kasi, sinabi niyang may malay siya at alam niya na pinagsasamantalahan siya ni Michael. Nakuha pa niyang ilarawan kung paano siya kinubabawan ni Michael hanggang sa magtagumpay ito na makuha ang kanyang pagkababae. Naramdaman din daw ni Lexa ang sakit sa kanyang ari at sa iba pang maseselang parte ng katawan. Nang matapos daw siyang pagsamantalahan, saka siya nawalan ng ulirat. Pero nang tanungin si Lexa ng abogado ng depensa sa pagkakaiba ng kanyang mga testimonya ay wala siyang maisagot. Sabi rin ni Lexa, may kung anong ipinasinghot na spray sa kanya. Pero nang mahuli si Michael, nakasuot lang ng brief at walang naipakitang bote o sprayer­ ang mga tanod na humuli sa kanya o kahit pa ang pro­se­­kusyon. Imposible naman na nakuhang maitago ni Michael sa brief niya ang spray kung totoong may ginamit siya kay Lexa. Kaya nakapagdududang may spray nga na ginamit. Mayroon pa si Lexang pahayag sa kanyang salaysay na kinausap siya ni Michael para sabayan sa pag-uwi at ihatid sa bahay pero nang nakasalang sa korte, ipinipilit ni Lexa na hindi naman sila nag-usap ni Michael bago ang insidente at bago sumulpot ang lalaki sa kanilang bahay. Ayon pa kay Lexa, hindi naman malalim ang kanilang relasyon dahil bihira silang magkita pero siya rin mismo ang nagsalaysay na pinapasok at hinayaan niya si Michael sa kanilang bahay sa loob ng isang oras.

Nakapagdududa rin ang naging testimonya ng nanay niyang si Mylene na nagsabing pagpasok niya ng bahay ay dumiretso siya sa kuwarto ni Lexa at natagpuan ang anak na nakahubad sa kama. Ginising daw niya ang anak pero hindi nagising ang dalaga. Nakakita raw siya ng pan­talon ng lalaki sa sahig kaya siya sumilip sa ilalim ng kama at nagsisigaw na humihingi ng saklolo. Pero nang isa­lang siya sa cross-examination, sinabi niya na imbes gisingin si Lexa, agad siyang nagsisigaw nang makita si Michael na nagtatago sa ilalim ng kama. Dumating daw ang anak niyang si Andrew at binuhat si Lexa patungo sa kabilang kuwarto. Nang nagsisisigaw na raw siya ay saka lang nagising si Lexa. Ibig sabihin, nagkamalay si Lexa nang makita ng nanay niya si Michael sa ilalim ng kama at nagsisigaw na ang nanay niya. Kahit papaano, nagtutugma ang sinasabi nila ni Michael.

Malinaw na hindi napigilan ni Michael at Lexa ang kanilang sarili at may nangyari sa kanila. Nagtalik sila at nahuli sila ni Mylene nang umuwi ang babae. Inimbento lang ng mag-ina ang istorya na ginahasa si Lexa para pagtakpan ang nangyari. Kaya hindi talaga ginawa ni Michael ang ibinibintang na rape (People vs. Singson, G.R. 194719)

  

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with