^

PSN Opinyon

Tama lang bawasan ang presyo ng gamot

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MARAMI sa ating mga kababayan ang makikinabang kung ibababa ang presyo ng mga gamot. Hindi lingid sa ating lahat na epidemya na ang sakit na may mahabang gamutan tulad ng diabetes, cancer, high blood at iba pa. Pangmatagalan na ang gamot na dapat inumin ng mga pasyente. Karamihan pa naman sa mga may ganitong klaseng sakit ay mahihirap nating kababayan.

Kung totoo nga ang sinabi ng Pharmaceutical Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na bukas sila sa usaping tapyas presyo ng gamot, napakalaking tulong nito sa ating lahat. Maraming bumibili ng maintenance na gamot ngayong panahong ito. Maraming herbal medicine rin ang ginagamit dahil kulang o kapos sila sa pambili ng gamot na kailangang inumin. Meron pa ngang takot magpasuri sa doctor baka matuklasan ang sakit, malamang dagdag gamutan na naman, sa blood test pa lamang ay mahigit P500 na ang bayad.

Kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia, tayo ang may pinakamataas na presyo ng gamot hindi gaya ng Thailand, Malaysia at Indonesia na mas malaki ang inaako ng gobyerno sa presyo ng gamot kaysa sa tao nila. Sa ganitong paraan ng PHAP parang dinugtungan nila ang buhay ng ating mga kababayang may sakit. Abot kaya na rin ang mga gamot ng mga nagmi-maintenance. Maiiinom na nang tama ang mga gamot dahil mabibili na nang kumpleto.

Meron akong kakilala na isang beses lang sa isang araw niya ininom ang gamot na sana ay dalawang beses ayon sa kanyang doktor. Dahil kulang ang budget sa awa ng Diyos, sumakabilang buhay na siya. Hindi kumpleto ang gamot na ininom dahil sa mataas na presyo ng reseta.

Sabi nga sa kasabihan “Health is wealth” kaya mas maganda pa rin na tayo ang doktor ng ating katawan kumain nang tama at dagdagan natin ang ehersisyo at pag-iingat sa sarili upang hindi dapuan ng sakit.

vuukle comment

SAKIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with