^

PSN Opinyon

Suweldo ng pulis kulang pa?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KULANG pa ba ang suweldo ng mga pulis kaya nasasangkot pa rin sila sa pangongotong sa mga van at bus drivers? Sa ngayon kasi tinitingala na ang mga pulis dahil abot-langit na ang kanilang suweldo di tulad ng mga teachers na halos mapatid ang mga litid sa leeg sa kasisigaw sa kalye na taasan ang kanilang suweldo. Subalit mas kinatigan ni President Duterte na dagdagan ang suweldo ng mga pulis dahil nalalagay sa panganib ang kanilang buhay sa pagganap ng kanilang tungkulin di tulad ng mga guro na nakasilong lang sila sa loob ng mga paaralan habang nagtuturo.

Ngunit sa kabila ng super taas na suweldo, nagagawa pa rin ng ilang pulis na mangotong na ikinasisira ng imahe ng PNP. Hindi sila natakot kay PNP chief Oscar Albayalde. Sa panahon ni NCRPO chief Major Gen. Guillermo Eleazar maraming pulis ang hinambalos niya na saksi pa ang media. Subalit ngayon tila sinusubukan naman nila ang katatagan ni National Capital Region Police Office chief B/Gen. Debold Sinas, at mukhang nagkamali sila dahil may kalalagyan sila rito.

Noong Miyerkules kasi, nahuli ang 2 pulis Pasay na aktong tumatanggap ng P100 sa nagpanggap na drayber kaya hayun matatapos na ang kinabukasan nila dahil tiyak na bukod sa pagkasibak sa PNP, tiyak na may kaha­harapin pa silang kasong administratibo. Ang masaklap nito nadamay din ang kanilang PCP chief. Isinagawa ang entrapment operation sa EDSA/ Malibay, Pasay City na pina­ngunahan mismo nina PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group Col. Ronald Lee at NCRPO Intel chief  Col. Remus Medina matapos na tugunan ang reklamo ng pangongotong ng 2 pulis na sina Cpls. Reynald Pallangeo Macwes at Jimuel Ilagan Bernal.

Bago pa ito, inireklamo rin pala ng drayber si CP 7 chief Capt. Mark Oyad matapos sabihin na taasan ang binibigay nitong P500 to P1,000. Mukhang sakal na ang drayber kaya idinulog na nila ang reklamo sa PNP IMEG at NCRPO. Ikinasa ang entrapment sa mismong terminal kaya ang resulta walang palag sina Mawes at Bernal. Ang nakakahiya, kapwa nila pulis ang nagsubsob at nagposas habang sangkaterba tao ang nakasaksi, hehehe! Swak sa balde at siguradong matatanggal na sila sa bakuran ng PNP upang hindi na pamarisan.

Samantala, iniutos ni NCRPO chief Sinas ang pagwasak sa illegal bus at van terminal sa Pasay City na nagiging source ng corruption ng mga pulis. Inutusan niya si Col. Bernard Young, Pasay City police chief na i-dismantle ang illegal terminal at makipag-coordinate sa Land Transportation Office (LTO) para madali itong mabuwag.

vuukle comment

POLICE

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with