^

PSN Opinyon

P100 milyong ‘pork’ kada kongresista; P3,000 lang sa mga magbababoy

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NALULUNGKOT ang mga magbababoy sa kakapusan ng pondong tulong para makaahon sila sa African swine fever (ASF). Nagdiriwang ang mga kongresista dahil meron silang tig-P100 milyong pansariling “pork barrels” na nakatago sa 2020 national budget.

Nasa P72 milyon lang ang emergency fund ni Agri­culture Sec. William Dar na pangontra sa mabilis na pag­kalat ng ASF virus. Pang-information drive ‘yon para turuan ang mga magbababoy na iwasang manghawa. At pambayad ng P3,000-pabuya sa bawat maysakit na alaga na isusuko ng magbababoy. Hindi sapat ang P3,000; puhunan lang ‘yon para sa isang biik. Samantalang ang mga naghihingalo sa ASF ay malalaki’t matataba na, ha­la­gang P10,000-pataas. At kung magpapabuya ng tig-P3,000 para sa 250,000 baboy na may ASF, kaka­ila­nganin ang P750 milyon -- mahigit 10 ulit ng pondo ni Dar. May dagdag siyang P60 milyon para ipautang -- P30,000 kada magbababoy -- para magmanok o mag-gulay muna habang may epidemya. Daang-libo ang kaila­ngan nilang puhunan.

Habang naghihirap ang mga magbababoy, nagpapartehan ng ilegal na pork barrel ang mga mamba­batas. Bagama’t itinatwa ni Cong. Joey Salceda ang katagang “pork barrel”, inamin niya na may tig-P100 milyon ang 300 mambabatas na nakapaloob sa 2020 national budget. Ito’y para sa mga personal na proyekto sa kani-kanilang distrito. Karamiha’y dredging kunwari ng bahaing ilog at farm-to-market roads. Pero hindi nasusukat kung totoong nilaliman ang daluyan ng tubig-baha. At ang mga kalsada ay patungo sa family resorts at mansiyon nila. Kung minsan ang pork barrel ay para ipangtayo ng munisipyo, pier, o tulay.

Pinagkukumisyonan ang mga proyekto: 50% sa mambabatas at 5% sa chiefs of staff. Walang kuwenta ang mga proyekto dahil 45% lang ang natitira para sa labor, materyales, at tubo ng kontratista. Ipinagbawal na ng Korte Suprema ang pork barrels noon pang 2013, dahil labag sa Konstitusyon. Pero itinutuloy ito ng Kongreso taun-taon.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with