Taga-Davao o hindi?
SA tatlong top contenders para sa next Philippine National Police chief na papalit kay Gen. Oscar Albayalde, dalawa ang taga-Davao at minsan nang na-assign dito sa Southern Mindanao lalo na noong panahong mayor pa ng Davao City si President Duterte sa loob nang mahigit 20 taon.
Si Lt. Gen. Archie Gamboa at Lt. Gen. Camilo Cascolan ay pawang miyembro ng Philippine Military Academy Class 1986 na kinabibilangan din ni Albayalde na magreretiro na sa darating na Nobyembre 8.
Ang isang contender naman ay si Lt. Gen. Guillermo Eleazar na miyembro ng PMA Class 1987 at nitong hu-ling 16 na buwan ay nagpakitang astig bilang chief ng National Capital Region.
Si Cascolan at si Gamboa ay kapwa mga taga-Davao at matagal nang kakilala ni Duterte.
Si Eleazar naman, ni minsan ay hindi nadestino dito sa Southern Mindanao.
Ngunit may isa pang posibleng maging PNP chief kung nanaisin ng Presidente --- si Brig. Gen. Vicente Danao na naging chief na rin ng Davao City Police Office noon.
Ngunit si Danao, miyembro ng PMA Class 1991 ay masyadong bata pa para maging chief PNP.
Kaya nga ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, prerogative pa rin ng Presidente kung sino ang kanyang pipiliing PNP chief kapalit ni Albayalde.
Abangan.
- Latest