^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Toll fee, itigil muna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Toll fee, itigil muna

Mahigit dalawang linggo na ang kalbaryong dinaranas ng mga motorista at commuters sa north bound ng South Luzon Expressway (SLEX).

Limang oras ang tagal ng kanilang biyahe dahil sa napakahabang trapik na umaabot sa may Sta. Rosa exit. Bago makarating sa kanilang destinas­yon, katakut-takot na stress ang kanilang dinaranas. Marami ang nag-iisip kung paano malalampasan ang grabeng trapik na tila ba ga-bundok na problema sa kanila araw-araw.

Nagsimula ang trapik sa SLEX noong Setyembre 22 (Linggo) nang isara ang Skyway para bigyang daan ang construction ng Skyway extension mula Alabang viaduct hanggang Susana Heights. Nabigla ang mga motorista sapagkat tukod na tukod ang trapik. Pausad-usad na parang pagong.

Kinabukasan, lalo nang matindi ang trapik sapagkat umabot ng apat hanggang limang oras ang trapik. Ang mga papasok sa trabaho ng 8:00 a.m., nakarating sa Makati ng 11:00 a.m. at ang iba, 12:00 ng tanghali. Marami ang hindi na nakapasok sa tra­baho at school. Marami ang naghahanap ng alter­natibong daan para mapabilis ang biyahe subalit walang ibang madadaanan na parang nakulong sila sa dagat ng mga sasakyan.

Ayon sa pamunuan ng Skyway, sa Disyembre 2020 pa matatapos ang isinasagawang extension. Humihingi sila ng paumanhin sa publiko. Kapag natapos naman umano ang proyekto, lahat ay maki­kinabang at maginhawa na ang paglalakbay.

Ano pa nga ba ang magagawa kundi tiisin ang kalbaryong trapik sa SLEX. Sana naman, itigil muna ang paniningil sa toll fee para naman maibsan ang pagkayamot o poot ng motorista. Saan naman nakakita na magbabayad ka pagkatapos matrapik. Sana huwag munang singilin hangga’t hindi naisasaayos ang Skyway. Maawa naman sa mga motorista at pasahero na kalbaryo ang dinaranas.

vuukle comment

COMMUTERS

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with