^

PSN Opinyon

Benepisyo at perwisyo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TATLUMPU’T LIMANG babaing Chinese ang na-rescue ng mga pulis sa isang hotel sa Makati na nagsilbing kuta ng prostitusyon. Ibinubugaw umano ang mga babae sa internet sa halagang P20,000 hanggang P30,000.

Hindi binanggit kung mga taga-China lamang ang puwedeng maging mga kliyente nila pero hindi na bihira ang ganyang balita ngayon sa rami ng mga POGO kung saan daang libong Chinese ang nasa bansa. Tangay na nga nila ang mga krimen tulad  ng prostitusyon, kidnapping dahil sa pautang na mataas ang interes at maaaring iligal na droga.

Nakikiusap nga ang China sa administrasyon na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugalan sa bansa partikular ang mga POGO kung saan lulong sa sugal ang maraming Chinese. Pero dineretso sila ni Pangulong Duterte na “We need it”. Kaya mananatili ang mga POGO at lahat nang problemang dala nito.

Dalawang Chinese naman ang sinubukang suhulan ang mga pulis-Makati na humuli sa mga babae. Inalok ng P1.7-milyon ang mga pulis para pakawalan ang mga babae na nahaharap sa kasong prostitusyon. Tila alam na alam ng mga ito ang kalakaran sa bansa kapag may nahuhuli.

Mabuti naman at hinuli ang dalawang Chinese. Huwag naman sanang maulit ang ginawa umano ng grupo ni Major­ Baloyo kay Johnson Lee, ang tunay na drug lord na pinakawalan umano sa halagang P50-milyon. Huwag din sanang maba­litaan na may ginahasa sa mga nahuling babae.

Sa rami at sa luwag ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dumarating na Chinese, ganyan na nga ang mababalitaan ngayon. Paano kaya nakapasok ang mga babaing iyan? Nagpanggap na turista? May papasukan umanong trabaho?

Hindi talaga malalaman hangga’t mahuli na nga sila. Baka dapat pag-aralan muli ng Palasyo ang mga benepisyo at perwisyo na dala ng pagdagsa ng mga Chinese sa bansa.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with