^

PSN Opinyon

Dapat buhayin ang kaso

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay PNP chief Oscar Albayalde na nahaharap nga­yon sa kontrobersiya ng “ninja cops” noong panahon niya bilang hepe ng PNP sa Pampanga, hindi siya ang tinutukoy ni President Duterte na general na sangkot pa rin sa ilegal na droga. Nagpahayag si Duterte sa Russia na may dalawang heneral na sangkot sa ilegal na droga na tutukuyin niya pagbalik sa bansa. Galit daw si Duterte at uubusin daw niya ang mga “ninja cops” na iyan bago matapos ang kanyang termino. Hintayin na lang natin kung sino ang babanggitin ni Duterte at anong aksyon ang gagawin. Nang dumating naman ang Presidente noong Linggo, sinabi niya na walang general na sangkot sa “ninja cops”.  

Naungkat sa pagdinig sa Senado ang mga kaganapan sa isinagawang buy-bust sa Pampanga noong 2013. Na­ging malinaw na hindi lang lumabag ang grupo ni Maj. Baloyo sa mga proseso sa pagsagawa ng operasyon kundi sila ang “ninja cops” na tinutukoy ni dating CIDG chief Magalong. Ilang tumestigo sa Senado ang nagpabulaan sa mga sagot at salaysay ni Baloyo. Hindi ito makasagot kaagad sa mga senador dahil iba ang kanyang nais isalaysay. Kaya nakakulong na si Baloyo sa Bilibid ngayon dahil sa contempt.

Kaya isang buwan bago magretiro si Albayalde, magkakaroon pa ng imbestigasyon sa kanya. Kung tama nga ang mga resulta ng imbestigasyon ni Magalong noon, daang milyong pisong halaga ng shabu ang naangkin nina Baloyo. Kaya nasasama si Albayalde sa kontrobersiya ay dahil nagpakita ng pag-alala sa kanyang mga tauhan noong iniimbestigahan. Ito ang mga ipinahayag nina Magalong at PDEA director general Aquino sa Senado.

Mabuti naman at bubuhayin ng DOJ at PNP ang kaso ng mga ito. Malinaw na nakalusot sa mga ipinaparatang sa kanila. Dapat talaga noon pa napatalsik at nakasuhan na ang mga iyan pero tulad ng lagi kong sinasabi hindi magawa ng kapwa pulis dahil parang fraternity nga. Dito nga tila may pananagutan si Albayalde dahil sa “pag-aalala” sa mga dating tauhan. Dapat kapag maruming pulis tanggal na kaagad sa PNP at kasuhan. Ang madalas mangyari lang ay nalilipat ng destino hanggang sa mabaon na sa limot.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with