^

PSN Opinyon

Ikulong lahat ang ‘ninja cops’

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MARAMING naghihintay sa pag-uwi ni Pres. Digong Duterte mula Russia. Sabik nang malaman ang mga papangalanang bugok na ninja cops. Ang tanong ko ay ito, kasama kaya sa 13 “ninja cops” ang dalawang aktibong heneral na sangkot sa droga? At isa kaya rito ay ang isinasangkot ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isang four star general? Mahirap manghula kaya hintayin na lang natin si Digong. Kabado na siyempre ang mga maysala dahil kilala natin si Digong walang paliguy-ligoy sa pananalita.
Ngayon maliwanag pa sa sikat ng araw kaya pala walang nahuhuling drug lords at pushers at users lang ang mga napapatay dahil ang mga pulis na nagpapatupad ng batas ang mga lumalabag dito. Mahirap talagang tanggalin ang mga katagang matatakaw ang karamihan sa mga pulis. Kaya pala hindi lumiliit ang mga tiyan ng marami sa kanila dahil sagana sa mga illegal na gawain.

Sabi ko nga sa mala-teleseryeng hearing sa Senado, palalim na nang palalim ang mga nahahalukay na kaso at ebidensiya at sigurado ako meron pang lalabas na magsasalita riyan. Imposible naman kung papayag ang isa na makulong at akuin pati kasalanan ng iba kung pare-pareho naman silang nakinabang sa drug money. Konting piga pa at bibigay din si Police Major Rodney Baloyo. Tingnan n’yo ang nangyari kay PDEA Dir. Aaron Aquino. Nag-urong sulong siya sa kanyang statement kasi natatakot baka madamay ang pamilya niya. Kalakaran na rito sa atin na kapag nagbunyag ng katotohanan nalalagay sa alanganin ang buhay.

Ayan, ngayong nalalaman na ang mga protector ng drug lords, kaya nang tuldukan ni Digong ang illegal na droga sa bansa bago siya bumaba sa puwesto.

vuukle comment

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with