^

PSN Opinyon

EDITORYAL - P39 meal allowance ng bilanggo, saan aabot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - P39 meal allowance ng bilanggo, saan aabot

HINDI lamang ang tungkol sa “ninja cops” ang nahahalungkat ng Senado kaugnay sa pagdinig ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) kundi pati na rin ang corruption na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Bureau of Correction (BuCor). Isa sa mga kontrobersiya ay ang budget para sa pagkain ng mga bilanggo. Nabunyag sa pagdinig na P39 lamang pala ang meal allowance ng mga bilanggo sa loob ng 1 araw gayung ang nakalaan sa mga ito ay P60. Nasaan ang P21? 

Hindi makapaniwala ang mga senador nang malaman na ganito kababa ang meal allowance ng mga bilanggo. Anong pagkain ang isisilbi ng ganito karampot na allowance? Sabi ng isa sa mga bilanggo na naanyayahan sa pagdinig, puro sabaw daw ang inihahain sa kanila. Kaya raw maraming maysakit na bilanggo ay dahil wala nang sustansiya ang kinakain. Hindi raw talaga makain ang pagkain na ginastusan ng P39.

Sabi ng isang caterer na nagsisilbi sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong, pinili raw sila ng BuCor na mag-provide ng pagkain sa mga bilanggo sa Correctional sa halagang P39. Nagsisilbi umano sila ng agahan, tanghalian at hapunan.

Nagulat naman ang mga senador nang sabihin ng caterer na babae na puwersahan silang pinag-trim down ng presyo para sila ang manalo sa bidding. Ang may pinakamababang bidder ang kinukuha ng BuCor.

Lubhang kawawa naman ang mga bilanggo na nabubuhay sa P39 na allowance sa pagkain. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming nabubur­yong na bilanggo. Kulang na nga ang pagkain ay wala pang sustansiya. Ang kakulangan din sa pagkain ang dahilan nang pagra-riot ng mga bilanggo. Ugat din ito ng paglalaban ng mga gang.

May bago nang BuCor director sa katauhan ni Gerald Bantag. Isa sana sa solusyunan niya ay ang mababang meal allowance. Sibakin niya ang mga opisyal na pati allowance para sa pagkain ng mga bilanggo ay gustong ibulsa. Walisin ang mga corrupt sa BuCor.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with