^

PSN Opinyon

Bangayan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG nagsaulian na ng kandila ang dalawang taga-PMA at patuloy ang mga paratang at patutsada sa pagitan nina PNP chief Oscar Albayalde at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dating hepe ng CIDG. Ito ay matapos magbigay ng salaysay si Magalong sa Senado noong Martes hinggil sa “ninja cops” o mga pulis na nagtatabi ng mga iligal na drogang nakukumpiska nila para ibenta muli sa mga drug lord. Unang nagsalita si Magalong sa pamamagitan ng “executive session” pero napilitan na ring magsalita sa publiko. At malaman ang kanyang mga pahayag. Binanggit ang pangalan ni Albayalde na noong na­ganap ang kuwestiyonableng buy-bust operation sa isang hinihinalang drug lord na taga-China ay siya ang hepe ng PNP sa Pampanga. 

Tila ang pahiwatig ay alam din ni Albayalde ang nasabing operasyon na inimbistigahan ni Magalong sa utos ni dating PNP chief Purisima dahil sa sabay-sabay nagkaroon ng mga mamahaling SUV ang mga kabilang sa operasyon. Nagpahayag nga na may SUV din si Alba­yalde na mariing itinanggi ng hepe ng PNP. Inggit lang daw si Magalong, anya ni Albayalde, kaya idinadawit siya nga­yon. Itinanggi naman ni Magalong na humingi siya ng pabor kay Albayalde noon.

Tulad nga ng nasabi ko, lahat sila may pagkakamali. Kung may anomalya na pala noon, bakit ngayon lang sila nagsasalita tungkol dito? Anim na taon na ang lumi­pas. Walang nangyari sa dismissal order para sa mga pulis na malinaw ay mali-mali ang ginawa. Na-demote lang sila kaya aktibo pa rin sa serbisyo. Malaki na nga ang lider ng operasyon, bagay na hindi pinalampas ni Sen. Gordon. Ang patuloy na bangayan sa pagitan nila Albayalde at Magalong ay halimbawa ng lahat ng mali sa PNP. Pinagtatakpan ang mga kapwa pulis kahit may pagkakamali, o kriminal pa. Hingian ng pabor kahit hindi naaangkop. Magsasalita lang kapag kailangan nang magsalita. Parang fraternity talaga.

Ngayon lumalabas na habang pinakamataas na opisyal ng PNP ang isa at mayor naman ang isa. Ano na ang masasabi sa kampanya laban sa iligal na droga kung ganyan nga ang kalakaran ng mga mataas na opisyal? Kung hindi pa nagsalita si PDEA director general Aquino -- isa pa ‘yan na ngayon lang nagsasalita kung matagal na palang kilala ang drug queen at alam ang ninja cops, at mukhang binago ang salaysay sa Semado hinggil kay Albayalde -- hindi pa lalabas ang lahat na iyan. Matagumpay lang ba talaga ang kampanya kapag mahihirap ang target? Mga hindi makalaban sa pulis pero nanlalaban pa rin hanggang sa kamatayan? Tama ba si Magalong na pili lang ang paglilinis ng hanay ng PNP? May ilang pagdinig pa sa Senado hinggil sa kontrobersiyal na GCTA, korapsyon sa BuCor at siyempre, ninja cops. Baka may lumabas pang bagong rebelasyon. Mga rebelasyon na nakakabugnot. 

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with