^

PSN Opinyon

Bakit ngayon lang?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKAKABUGNOT. Ito ang masasabi ko sa patuloy na pagdinig sa Senado ng mga anomalya sa BuCor at ngayon ay sa “ninja cops”. Nagsalita na si Mayor Benjamin Magalong na dating hepe ng CIDG. Sinalaysay niya ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa isang isinagawang buy-bust sa Pampanga noong 2013 kung saan 38 kilos ng shabu umano ang nakuha. Pero sa utos ni dating PNP chief Purisima, inim­bestigahan ni Magalong ang operasyon dahil napansin na sabay-sabay nagkaroon ng mamahaling mga SUV ang mga pulis na kabilang sa operasyon.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Magalong na 200 kilos ng shabu ang nakuha, at may nakuha pang malaking halagang pera. Lumabas na ang ipinakitang suspek na Chinese ay iba sa totoong nahuli. Ipinahiwatig na inangkin ang 162 kilos ng shabu at pinakawalan ang tunay na suspek sa halagang P50-milyon. Pinangalanan ni Magalong ang “ninja cops” at sinabing si PNP chief Oscar Albayalde ang mataas na opisyal ng PNP sa Pampanga nang maganap lahat ito.

Isang tingin pa lang sa lider ng grupo ng mga pulis na kabilang sa buy-bust operation ay may problema na. Hindi ito makasagot nang deretso sa mga senador at iba-iba pa ang sinasabi sa mga nakaulat na. Nagkaroon din ng tensiyon sa pagitan ni Magalong at Albayalde. May SUV rin daw si Albayalde. Walang ginawa si Albayalde kundi ipagtanggol ang kanyang umano’y malinis na rekord.

Lahat sila dapat managot. Kung noong 2013-2014 pa may pagdududa sa nasabing operasyon, bakit hindi nagsisisigaw sina Magalong at Albayalde na suspendihin o patalsikin na ang mga pulis na sangkot sa operasyon? Bakit ngayon lang? May desisyon na palang patalsikin sila pero sa kinalaunan ay binawasan lang ng mga ranggo. Inabot pa raw ng halos dalawang taon bago ipinaabot sa mga sangkot ang dismissal from service. Bakit inabot ng ganyan katagal? Para mabaon na sa limot? Para magapang ang kaso?

Ganun nga siguro ang nangyari. Isa na naman itong patunay na ang PNP ay parang fraternity sa kolehiyo, maging bunga man ng PMA o ng PNPA. Kahit mali na ang ginagawa ng isang kabaro, hindi sila magsasalita kung hindi kailangan. Si Magalong nagsalita lang nang magsalita si PDEA director General Aquino tungkol sa “ninja cops”. Ang problema, hindi ito mga mag-aaral sa kolehiyo. Ito ang PNP na nanumpang magsilsilbi at magpoprotekta sa publiko. Siguro para sa kani-kanila lang ang sumpang iyan.

Nakakabugnot.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with