^

PSN Opinyon

Sobrang ‘screen time’masama ba sa bata?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MASAMA ba sa mga bata ang sobrang paggamit ng gadgets­? Maraming magulang ang nag-aalala na baka may negatibong idulot ang mahahabang oras araw-araw na pagtutok ng mga bata sa liwanag ng screen ng cell phone o tablet o computer. Nakakaalarma na nu’ng 2010-2011, 8.6% ng kabataan sa mundo na edad-16 pababa ay mahigit tatlong oras ang inuubos sa social media miski schooldays; at nu’ng 2015-2016 ay dumami pa sila nang 12.8%. Samantala, duma­dami rin ang mga batang gan’ung edad na may mental disorder, dati 10%,naging 12%.

Pero wala naman daw direktang relasyon ang mga esta­tistika, anang mga eksperto. Nagkakataon lang lahat, pero hindi ‘yon dahil sa haba ng “screentime” ng mga bata sa gadgets.

Ganunpaman, mahirap basta balewalain ang babala ng mga espesyalista na may masamang epekto nga ang screen time. Halimbawa, sa mata. Games man o seryosong baba­sahin, movies o social media, napapatagal ang dilat ng tao sa screen. Nababawasan ang pagkurap ng mata. Natutuyuan ito; nagagasgas ang cornea, ang makintab na harap ng mata. Kinakailangan tuloy ng artificial tears o eye lubricants.

Meron ding napapansin ang mga child behaviorists. Dahil daw sa screen time, nababawasan ang oras ng mga bata sa pakikipaglaro sa isa’t isa. Naaapektuhan ang kanilang “people skills”. Hindi na sila kasing-dali makipagkaibigan sa ibang bata sa playground. Nagiging loner -- palasarili at makasarili. Paglaki raw nila, mahihirapan umano sila makitungo sa kapwa: sa empleyado, boss o karanggo.

May dagdag pa r’yan ang mga sociologists. Tanong nila: kapag impersonal daw ang mga bata ngayon, ano’ng klaseng world leaders sila magiging? Darami kaya ang giyera dahil hindi sila sanay sa bigayan? Magiging pala-asa o uto-uto kaya sila sa iilang natutong makipaglaro?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

GADGETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with