^

PSN Opinyon

Lazarus

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

HINDI na maikaila ang paglala ng mga sakit na kumakalat sa lipunan ngayon: Dengue, measles, polio at diptheria. Opo, itong huling dalawang nabanggit – mga sakit na ang alam nati’y matagal nang nabura sa mukha ng bansa. O kung hindi man matagumpay na natanggal sa pangkalahatan, ang wari nati’y mabilis na itong naglalaho sa ating realidad. Subalit narito sila ulit. Muling nabuhay na parang si Lazarus.

Sa itsura ng mga bagay ay parang hindi tayo handa sa hamon ng muling paglutang ng mga sakit na ito. Ang itinuturo ng DOH na sanhi ay ang hindi pagpupursigi ng mismong mga mamamayan at, siyempre, ng ating mga health workers na lahat ay nababakunahan laban sa sakit. Simpleng simple lang naman talaga ang matematiks diyan. Kung makapagpabakuna, ligtas ka. Kung hindi, delikado ka.

Napag-alaman ng DOH na ang kuwenta ng mga batang nabibigyan ng oral polio vaccine ay 66% lamang. Ang minimit­hing rating sana ay 95% ng kabuuhang bilang. Kapag ganito ang katotohanan, ikagugulat pa ba na may mga minamalas? 

Itong huling nabiktima ng diptheria na taga-Maynila, napag-alamang hindi pala nabuo ng bata ang kinakailangang dosage ng bakuna. 

Nakakadagdag din sa suliranin ang kakulangan ng bakuna. Sa buong mundo ay may hinalang shortage sa ganitong uri ng mga gamot. Lalo na sa diptheria na matagal nang paatras nang paatras ang insidente. Siyempre, dahil hindi na gaanong kadami ang nabibiktima, hindi na rin nagi-ging atraktibo sa mga pharmaceutical company na gumawa ng ganitong klaseng droga. Bakit pa nga kung wala nang bibili? Kung kaya’t ngayon na may pasulput-sulpot sa iba’t ibang bahagi ng mundo, gaya rin dito sa atin, eh biglang nagkulang ang supply. 

Sana’y huwag natin papabayaang lumala ang mga hamon sa kalusugan lalo na’t bagay itong maiiwasan kung tayo ay magsisiryoso lang. Kaharap lang natin ang solusyon. Wala tayong sisisihin kung hindi ang ating sarili kapag hayaang umabot sa epidemya itong mga sakit na dapat ay matagal nang nailibing.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with