^

PSN Opinyon

Sayang naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY hinihiram palang P30-bilyon ang defense department sa Australia para magpagawa ng anim na offshore patrol vessels para sa Philippine Navy. Ang mga barko ay gagawin sa Cebu kung nasaan ang kompanyang Austal. Maglilikha ang proyekto ng maraming trabaho para sa mga Pilipino, bukod sa malaking tulong na mabibigay ng mga nasabing barko sa pagbantay ng teritoryo ng bansa. Ang Pilipinas ay binubuo ng higit 7,000 isla kaya malawak ang karagatan na kailangang bantayan hindi lang mula sa banta mula sa ibang bansa kundi pati sa krimen.

Maaalala ang inilabas na memo mula sa Palasyo na hindi na tatanggap ng tulong-pinansyal mula sa 18 bansa na sumang-ayon na siyasatin ang madugong kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga. Hindi na naman matanggap ang kritisismo mula sa ibang bansa. Kabilang ang Australia sa mga bansang lumagda, bukod sa UK, Italy Czech Republic, Spain at Austria. Mga bansang puwedeng tumulong din sana sa modernisasyon ng AFP. Ang nais sana ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, makiusap sa Palasyo na payagan ang tulong-pinansyal mula Australia para matuloy ang proyekto na makakatulong sa bansa. Hindi naman binabawi ng Australia ang tulong. Ang administrasyon ang tumatanggi.

Sana nga ay bigyan ng exemption ng Palasyo ang tulong na ito mula Australia. Maganda na ang takbo ng moder­nisasyon ng AFP na sinimulan ng nakaraang administrasyon. Nagdatingan na ang mga bagong barkong pandigma at may parating pa. Mga eroplanong pandigma mula South Korea ay nandito na rin. Kailan lang ay dumating ang mga unmanned aerial vehicle mula Israel. Ang drones nga ang nagiging bagong sandata ng lahat ng hukbong sandatahan ngayon. Nandyan pa rin ang tulong-militar ng US kahit ayaw na ni President Duterte. Mas gugustuhin nang humingi ng tulong mula China at Russia. Sayang kung hindi matutuloy ang offshore ptrol vessels para sa Navy. Ang Navy pa naman ang dapat mapalakas para hindi tayo minamaliit ng China, kahit sinasabing magkaibigan na. 

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with