^

PSN Opinyon

Kaibigan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

F/B Pengyou. Ito ang ipinangalan sa barkong ibinigay ng isang negosyanteng Chinese sa kapitan at tauhan ng F/B Gem-Vir 1. Hindi bago ang barko, at ayon kay Junel Insigne, kapitan ng Gem-Vir, may mga kailangan pang ayusin sa barko na baka abutin ng isang taon.

Baka mas una pang matapos ang pag-aayos ng Gem-Vir. Sila nga ang nakakaalam niyan. “Kaibigan” ang ibig sabihin ng “Pengyou”, at ang kapitan at tauhan ng Gem-Vir ang magiging may-ari ng ibinigay na barko kapag naayos na nila nang husto.

Pero wala pa silang natatanggap na danyos mula sa may-ari ng bumanggang barko sa kanila sa halip ng humingi na ng patawad para sa nangyari. Humihingi ng P2.5 milyon ang may-ari ng Gem-Vir para ipaayos ito. Mula nang maganap ang insidente, hindi na nakapagpalaot ang mga tauhan ng Gem-Vir. Inasikaso ang pagsasaayos ng binanggang barko.

Siguro dahil sanay na silang patakbuhin ang barko pati mga kilos hinggil sa pangingisda kaya mas ginustong ayusin. Pero ganun nga, magmula Hunyo ay hindi na nakapagpangisda. Nabigyan naman sila ng mga donasyon mula sa iba’t ibang sektor, kaya nakakaraos naman ng konti sa mga arawang gastusin. 

Hindi ko lang alam kung mabibigay pa ang hinihinging danyos ng kompanyang may-ari ng barkong bumangga sa kanila. Tandaan na noong maganap ang insidente, kung anu-anong dahilan ang ibinigay ng China para pala­basin na kasalanan ng mga Pilipino. Iniwan pa nga sila sa dagat, hindi ba?

Parang ganun pa nga ang kilos ng ilang opisyal ng administrasyon. Tila pinalalabas na hindi lubusang kasalanan ng barkong pangisda ng China at may pananagutan din ang Gem-Vir. Ikumpara iyan sa sinapit ng mga coast guard natin hinggil sa insidente kung saan nabaril at napatay ang isang mangingisdang Taiwanese. Nanagot sila sa insidente.

Mga Nobyembre ay maaayos na raw ang Gem Vir 1 kaya makapagpapalaot na sila. Ang karanasan sa Recto Bank ay makakatulong din sa kanila na baguhin ang ilang pamamalakad sa barko. Sana ay huwag maulit ang insidente. Mahirap na mag-isip tungkol sa “kaibigan”, hindi ba?  

vuukle comment

GEM-VIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with