^

PSN Opinyon

TV reporter, hinahanting ng opisyal ng Senado

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KALAT na sa Senado na hinahanting ni Senate Sec. Myra Villarica ang reporter ng PTV4 dahil sa ibinalita nitong hayagang moonlighting ng isa nilang empleyado na labag sa Civil Service Commission (CSC). Nais mala­man ni Villarica kung sino ang source ng PTV4 kaya pati ang budget ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) ay apektado.

Maging ang reporter ng PTV4 ay hilong talilong sa takot at hindi alam ang gagawin. Kung sabagay, hindi na dapat dumaan pa sa PCOO si Villarica at imbes, sumulat siya sa management ng PTV4 para malaman kung saan nanggaling ang balita na inire nila na kasalukuyang iniim­bestigahan ng CSC.

Ang PTV4 lang ang may hawak ng video na lantarang nagbebenta ng accessories tulad ng damit, sapatos, bag at iba ang empleyado ng Senate secretary kaya mainit ang ulo ni Villarica. Di ba harrassment ang pakikialam ni Villarica sa media? Dapat alamin ni Senate President Tito Sotto ang aksiyon ni Villarica.

Matatandaan na pinirmahan kailan lang ni President Duterte ang inamyendahang Sotto law na huwag panga­lanan ng mga reporter, editor, kolumnista ang pagbunyag ng mga sources nila at idinamay pa ang mga may-ari ng print, broadcast at radyo, online at mga cable TV. Ito ay bilang proteksiyon sa mga source na nagbibigay ng sensitibong impormasyon sa mga taga-media.

Kasi nga sa mga trabaho namin, kapag sensitibo o kontrobersiyal ang isyu, kalimitan ay tinatago ang nagbi­bigay ng balita sa sources para hindi naman sila balikan ng mga tinatamaan. At ang pagha-hunting ni Villarica sa reporter ng PTV4 ay maliwanag na hindi niya sinusunod ang batas. Hindi naman kasi maganda na gagawin ng Senate employee na “tiangge” ang hallway ng Senado.

Kaya bawal sa batas ng CSC na magbenta ng kung anu-ano ang isang empleyado para maging 100% ang kanilang focus sa trabaho. Kumikita ka na sa suweldo bilang empleyado ng Senado tapos may iba ka pang raket? Di ba magiging ugat ng inggitan ‘yan? Paano kung sundan ka ng iba pang empleyado? Lalong magpuputok ang butse ni Villarica nito. Kaya lang trabaho lang ito at walang personalan. Get’s mo Ma’m Villarica? Bukas ang kolum na ito sa iyong paglilinaw. Abangan!

vuukle comment

MYRA VILLARICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with