^

PSN Opinyon

Maling sipa ni Kick-ko

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TANONG ng kaibigan ko, tunay ba ang ipinapahayag na malasakit ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa mga magsasaka at mangingisdang Pilipino?

Wagas kasi siyang tagatuligsa ng nilagdaang batas ni Presidente Duterte na Rice Tariffication Law (RTL) na nag­lalaan ng ayudang tatlong bilyong piso para sa tinatayang 2.4 milyong magsasakang Pilipino.

Pero bakit siya bumabatikos gayung bumuo rin siya ng sari­ling Bill na halos katulad ng RTL na tinawag niyang Sagip Saka Act (RA 11321) na pinirmahan ni Presidente Duterte noon lang isang buwan. Pabor ako na may oposisyon, pero ang pagkontra sa alin mang polisiya ng administrasyon ay kailangang may tamang layunin at dahilan para sa ikabubuti ng nakararaming mamamayan. Hindi lang para masabing ginagawa mo ang tungkulin bilang oposisyon.

 Marami ang nagtataka lalo na sa mga consumer groups at grupo ng mga magsasaka kung bakit wala siyang ipina­tupad na reporma sa Department of Agriculture noong siya ay may pagkakataong gawin ito. Kung magugunita, sa panahon ni Presidente Noynoy, hinirang siyang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization noong 2014.

Si Kiko ay chairman din ng National Food Authority­ Council sa panahong may nadiskubreng bode-bode­gang­­­ nabubulok na bigas dahil sa kawalanghiyaan ng ibang rice tra­ders. Lalo pang lumobo ang bilyong utang ng NFA noong panahong yaon.

Sumabit din ang pangalan niya nang maakusahan si dating­ NFA administrator Arthur Juan na diumano’y nangi­ngikil ng P1-million sa isang rice trader sa Bulacan. Pinabulaanan ni Kiko ang pagkakaladkad sa kanyang pangalan sa nasabing anomalya.

Kung inyong natatandaan, sa mga panahong yaon nang Pangulo pa si Noynoy, nagkaroon ng pilahan sa pagbili­ ng bigas lalo na ng NFA rice. Bukod pa riyan, nagdusa rin ang mga coconut farmers sa Southern Tagalog dahil sinalanta ng cocolisap ang kanilang pananim.

Kaya ang payo kay Kiko ng kapwa niya senador, huwag masyadong umepal sa problema ng mga magsasaka at mangingisda noong panahong yaon ng Noynoy ad­mi­nis­tration.

vuukle comment

RICE TARIFFICATION LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with