^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawas presyo sa mga gamot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bawas presyo sa mga gamot

NOONG nakaraang taon, tinapyasan ng gobyerno ang presyo ng mga gamot para sa hypertension at malaki ang naitulong sa mamamayan lalo sa mga senior citizen. Malaki rin ang nabawas sa presyo kaya gumaan kahit paano ang gastusin ng mga may alta-presyon. Isa ang hypertension sa mga sakit ng mga Pilipino na dahilan ng stroke at atake sa puso.

Pero mayroon pang kasunod na pagbaba sa mga gamot at kapag ito ay inaprubahan ni President Duterte, ito na ang pinakamaganda sa lahat na ginawa ng kanyang administrasyon. Maaaring bu­maba ng 50 percent ang mga gamot at sabi ng Department of Health (DOH), nasa 120 ang mga gamot na kanilang irerekomenda para mabawasan ng presyo. Ang pagpapababa ng mga gamot ay nasa ilalim ng maximum drug retail price (MDRP) scheme na nakapaloob sa Republic Act 9502 o ang Universal Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.

Ayon pa sa DOH, ang mga gamot na nasa kani­lang listahan na ibababa ang presyo ay ang para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, baga, atay, cancer, chronic renal disease, psoriasis at rheumatoid arthritis at marami pang iba.

Pagsisikapan umano ng DOH na i-impose ang MDRP para mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino. Ayon kay DOH undersecretary Eric Domingo, ang generic drugs ay binibenta umano ng apat na beses na mas mataas at ang branded ay ibinibenta ng 22 beses na mas mataas lalo na sa mga pribadong ospital. Ayon sa report, ang Pilipinas ang tanging­ bansa sa Asia na mahal ang gamot. Mas mahal pa raw ang gamot dito kaysa sa mga mayayamang bansa.

Nararapat na ipursigi ng DOH ang pagpapa­baba ng gamot para lubos na matulungan ang mamamayan, lalo ang mga may sakit na matatanda na hindi na makatikim ng gamot o kaya makapagpaospital dahil sa kakapusan ng pera.

vuukle comment

GAMOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with