^

PSN Opinyon

Narco state na ba ang Pinas?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG totoo na may mga alagad ng batas at mga opisyal na sangkot sa distribution ng bawal na droga sa bansa, at kung totoo na may mga opisyal ng pamahalaan na pumu­protekta sa mga sindikato ng droga, maituturing nang isang narco state ang Pilipinas.

Maaalala natin na si Presidente Duterte mismo ang umamin na hindi niya kayang sugpuin ang problema sa droga sa loob ng kanyang termino. Ipinakikita lang ng pa­hayag na ito kung gaano kalalim ang ugat ng drug problem sa ating bansa na ang kailangan ay walang tigil na pagmamatyag o eternal vigilance. Bukod diyan, dapat ding walang humpay ang aksyon ng mga tagapagpatupad ng batas para masupil ang problema.

Pero sino ang lalaban nang totohanan sa salot na droga kung totoong pati ilang pulis at opisyal ay kasangkot sa krimen?

Muling lumulutang ngayon ang isyu tungkol sa mga “ninja cops” na dawit sa recycling ng mga natitimbog na shabu at ang mismong mga dapat magpatupad ng batas­ ang nagsasapamilihan ng bawal na kalakal na ito. Kalakal na pinagkakakitaan nila ng limpak-limpak na salapi pero sumisira sa buhay ng ating mga kabataan.

Ang pagsisiwalat ni PDEA Chief Aaron Aquino na may 4-Star General pa ng pulisya na sangkot sa anomalyang ito ay nakababahala dahil sino pa ang mangangalaga sa kaayusan ng bansa kung ultimong ang mga nasa itaas ay siyang gumagawa ng krimen?  Pinalagan nga ni PNP chief Director-General Oscar Albayalde ang rebelasyon ni Aquino porke bagamat walang binanggit na pangalan­, si Albayalde lang naman ang may ranggong 4-Star Ge­neral. Sabi niya nakasasakit ng loob na sa kabila ng pagsisikap ng pulisya na masugpo ang ilegal na droga ay tatanggap pa siya nang ganyang paratang.

Ngunit may katotohanan man o wala ang mga pahayag ng PDEA Chief, dapat itong siyasatin para ilantad ang buong katotohanan. Ang masaklap lang ay kung sa dakong dulo ay magkakaroon ng takipan upang mabaon na naman sa limot ang isyung ito. 

Pabor akong huwag munang pangalanan ang mga pulis at opisyal na tinutukoy ni Aquino dahil magiging kasiraan doon sa mga hindi naman tunay na nagkasala. Pero dapat hubaran ng maskara ang mga totoong  kasangkot sa anomalya basta’t may mga pruwebang hindi maaaring pabulaanan.

vuukle comment

NARCO STATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with