^

PSN Opinyon

Holier than thou si Ping

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA ilang isyu ng kolum na ito, natalakay ko kung gaano ka­­tindi ang pagmamatyag ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagtalakay sa P1.4-trilyong National budget para sa taong 2020, mula committee level hanggang sa plenaryo. Gusto ni Cayetano­ na wala ni katiting na bahid ng pork sa isinusulong na budget. Ngunit ano itong alegasyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson­ na may balak na maglaan tig-P1.5 billion pork barrel­ para sa mga Deputy Speakers?

Ito ay isang bagay na mariing pinabulaanan mismo ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva na kinatawan ng CIBAC Party list. Baka naman sabihin na self-serving ang pahayag ni Bro. Eddie dahil isa siyang Deputy Speaker. I don’t think so. Ni hindi pa nabubuo ang pinal na bersyon ng naturang bill kaya hindi patas at wala sa hulog na gumawa siya ng ganoong alegasyon. Obviously, this statement was made for the purpose image building. Pampa­pogi wika nga.

Si Lacson mismo ang nagsabi na may “plano” na big­yan­ ang lahat ng Deputy Speakers ng nabanggit nating­ halaga na sa tingin ko ay hindi dapat gawin ng isang iginagalang na Senator na tulad niya. Kung mayroon sana siyang sipi ng bill at nakita ng dalawang mata niya ang kanyang ipina­paratang, baka kampihan ko pa siya. Hindi yata magandang pakinggan na gagawa ng paratang ang isang beteranong Senador base sa “hearsay” lang.

Si Bro. Eddie ang Speaker for Good Governance and Moral Uprightness, palibhasa’y pinamunuan niya ang isang malaking denominasyong Jesus is Lord Church, at personal ko siyang kakilala at hinahangaan ko ang kanyang prinsipyo at paninindigan kahit sa mga usaping political.

Sabi nga ni Bro. Eddie, ang sinabi ni Lacson ay isang malaking kasinungalingan. Oo nga’t napabantog si Lacson­ bilang isang Senador na hindi tumatanggap ng “pork.” Ayos iyan at hinahangaan natin.  Pero sa ganyang mga iresponsableng statements, umaakto siyang “mas banal kaysa iba.” Holier than thou.

Kapitapitagang maging isang tagapagsulong ng malinis na pamahalaan gaya nang paglalarawan ni Lacson sa sarili. Ngunit yung paratangan mo ang ibang may mabuting layon ay isang bagay na magdudulot ng pagdududa kung tunay ang iyong prinsipyo o palsipikado.

Madalas, ang mga pulitiko ay umuupa ng mga taong eksperto sa pagsilip kundi man pag-imbento ng kamalian ng iba para magamit para paguwapuhin ang sarili.  Pero ako’y naniniwala na ano mang paninira ang gawin kung hindi naman totoo, hindi kayang pataubin ang isang taong matuwid.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with