^

PSN Opinyon

Palabra de honor

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SALUDO ako sa dalawang mataas na opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) dahil kusa nilang binitiwan ang kanilang puwesto. Masasabi kong meron silang word of honor o palabra de honor. ‘Di man sila direktang may kinalaman sa pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio pero labag man sa kalooban, kailangan silang bumaba sa puwesto upang maiwasan ang “whitewash” sa kaso.

Sa pagbibitiw sa puwesto nina PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at Commandant of Cadets Brig. Gen. Bartolome Bacarro, ipinakita lamang nila ang disiplina sa puwesto ang tinatawag na command responsibility. Ito ang dapat tularan ng mga pulis at sundalo na kapag nasangkot sa ganitong pangyayari at katiwalian man. Iwasang maging kapit tuko sa puwesto. Ang iba kasi riyan dinadaan sa palakasan ‘di ba?

Kapag pumasok tayo sa isang organisasyon kailangan handa tayo sa anumang mangyayari sa sa loob dahil hindi natin alam kung mapagtatagumpayan ba ito o hindi. Ako mismo dumaan din sa hazing dahil miyembro ako ng isang private fraternity. Tinanggap ko ang paddle sa buttocks mula sa aking upper classmen. Siguro nga magkaiba ang pamamaraan ng hazing noong aking kapanahunan at sa kasalukuyan.

Para sa akin dapat gawing light hazing. Maraming paraan ang puwedeng ipataw kung nagkamali man, huwag naman sanang magreresulta ng kamatayan at pagka­ospital. Sayang ang mga kabataang napatay dahil sa hazing­. Malay natin sila pala ang susunod na lider ng ating bansa paano pa mangyayari kung sa training pa lang ay namatay na sila.

Ngayong maiinit na usapan na naman ang anti-hazing law. Ilang kabataan pa ang dapat magbuwis ng buhay para mabigyan ng “ngipin” ang anti-hazing law. Let the law take its course.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with