^

PSN Opinyon

Pasaway

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

IPINAGBAWAL na nga nang tuluyan ngunit hindi pa rin naawat ang mga pasaway. May bago na namang inosente na nasakripisyo sa landas tungo sa pag-unawa sa peligrong dulot ng hazing. Darwin Dormitorio. Ang pangarap lang mula ng pagkabata ay ang makapasok at magtapos sa Philippine Military Academy. Nakatuntong ang binata sa PMA subalit hindi na ito makakatapos, kailanman.

Ano pa ba ang kailangang gawin? Napakataas ng pres­yong binabayaran ng biktima at ng lipunan para lamang mapagbigyan ang mga deboto na magamit ang hazing bilang instrumento ng kanilang pag-training. Ang akala ng marami ay huli na ang kaso ni Horatio “Atio” Castillo sa mahaba at mapait na karanasan ng lipunan sa hazing. Sa tindi ng sakit at dalamhating sinapit ng kanyang pamilya, mga kaibigan at ng komunidad, nagawang ipasa ng Kongreso ang mas pinahigpit na Anti Hazing Law kung saan ipinagbawal na ng tuluyan ang ano mang uri at anyo ng hazing.

Ang batas na sana ang magiging hudyat ng pagkawala ng salot na ito. Marami ang nag-akala na ang batas ay ang magsisilbing pamana ng buhay ni Atio Castillo, na gagamiting kalasag upang proteksyunan ang mga iba pang binatang tulad niyang malalagay sa kamay ng mga organi­sasyong mahilig gumamit ng karahasan sa paghulma ng miyembro.

Pinangalanan pa nga ng batas ang PMA na kabilang sa mga organisasyong sakop. Subalit wala ring epekto. Wala na talagang hihigit na bulag sa nagbubulag-bulagan.

Tama lang na nagbitiw sa posisyon ang Komandante ng PMA. Sa ilalim ng batas, kailangan matukoy ang kanyang pananagutan at ng iba pang sangkot na istudyante at opisyal upang mabigyan ng naayong parusa. Walang lugar sa usaping ito ang opinyon tulad nung binigkas ni Senador Ronald Bato de la Rosa na tila itinataguyod pa ang positibong epekto ng hazing.

Ang pinakamagandang suhestiyon ay iyong nangga­ling kay Ginang Carmina Castillo, butihing ina ni Atio, na ituring nang heinous crime ang hazing nang bigyan ito ng kaukulang maximum na parusa.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with