^

PSN Opinyon

Hindi naipagtanggol?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA lahat naman ng babawasan ng pondo para sa susunod na taon, bakit sa kalusugan pa ngayong may mga sakit na kumakalat sa bansa? Nasa P10 bilyon umano ang binawasan sa pondo ng DOH kumpara sa nakaraang taon, habang kumakalat ang tigdas, dengue at nga­yon, polio. Dalawang kaso na ng polio ang naitala ng DOH at nadidiskubre ang virus sa ibang bahagi na rin ng bansa. Nangangamba ang DOH na dahil nabawasan nang husto ang mga nagpapabakuna para sa tigdas, polio at kung ano pa, baka mas mabilis kumalat ang sakit. Walang gamot ang polio kapag nakapitan na.

Ayon sa isang mambabatas, higit pa sa P10 bilyon ang mawawala sa DOH kung talagang susuriin. May mga programa na hindi mabibigyan ng sapat na pondo para ma­ging epektibo. Baka mabawasan pa ang mga taong tumutulong sa pagbigay ng mga bakuna at hindi naman kaya ng iilan lang sa bawat barangay o komunidad. Pati ang programa para ayusin o pagandahin ang mga pasilidad ng kalusugan ay mababawasan rin ng pondo.

Sinisisi ni dating DOH secretary at ngayo’y mambabatas Janette Garin ang DOH dahil hindi raw naipagtang­gol sa Department of Budget and Management (DBM) ang hinihinging budget. Hindi ko napanood ang nasabing­ hearing, pero alam naman ng DBM ang sitwasyon sa bansa hinggil sa mga sakit kaya bakit kailangan pang pahirapan ang DOH para makuha ang hinihinging pondo? Sigurado hindi nahirapan ibigay sa Tanggapan ng Pangulo ang hininging pinakamalaking pondo sa kasaysayan ng bansa. Buhay na buhay na naman ang kampanya ni President Duterte laban sa iligal na droga kung saan marami na ang namamatay. May pondo para riyan pero para sa kalusugan, nabawasan. 

Mahirap makita na ang kapakanan ng marami partikular ang mga mahihirap ang prayoridad ng gobyerno kung binabawasan pa ang pondo para sa kalusugan na dapat bawat taon ay bahagyang tumataas. Sa panahong ito na may nilalabanang mga peligrosong sakit, hindi dapat ganyan ang nangyayari. Ayon sa DOH, hindi naman daw babawasan ang pondo para sa programa ng pagbakuna. Dapat lang at ang DOH na ang nasa harap ng laban na ito.  

vuukle comment

DOH

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with