^

PSN Opinyon

Mga presong walang babalikan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA sa ilang bilanggo sa Pambansang Piitan, mas gu­gus­tuhin nilang manatili sa bilangguan kaysa lumaya. Totoo ang sinabi ni Sen. Bong Go na mapapatotohanan ni Sen. Ronald dela Rosa na minsa’y naging Direktor Heneral ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang mga bilanggong tumanda na sa piitan at nakalimutan nang dalawin ng kanilang mga kaanak. Kung lalaya nga naman sila, saan sila pupunta at sino ang mag-aalaga sa kanila? Magiging dagdag lang sila sa mga kawawang nilalang na natutulog sa lansangan. 

Sila ang mga life-termers na kahit karapat-dapat ay hindi nabigyan ng parole o Good Conduct Time Allowance. Marahil, kung bata-bata pa sila at nabigyan ng pagkaka­taong lumaya at magbagong buhay, hindi nila daranasin ang ganoong sitwasyon.

Naniniwala ako na ‘yung mga gumawa ng heinous crimes ay ‘di na dapat mabigyan ng pagkakataong lumaya. Pero mayroon ding mga nasentensyahan ng reclusion per­­­petua na hindi naman buktot na krimen ang ginawa. Kung tunay na sila’y nagbago, dapat silang palayain ayon sa ipi­naiiral na batas sa bilangguan.

Ngunit sa nangyayaring liberty for sale sa loob ng piitan, ang tinatawag na parole, o kaya ay ‘yung Good Conduct Time Allowance ay napapakinabangan lang nung mga may salaping gagastusin kahit hindi sila karapat-dapat. 

Wala nang tsansa ‘yung mga dukhang bilanggo kaya tinanggap na lang nila ang kanilang kalagayan. At least, sa oblo ay tiyak silang kakain. Kung may natutunan silang skills sa paggawa ng handicrafts, puwede pa silang kumita ng pera maski papaano.

Kung sa katandaan ay magkakasakit sila, tiyak namang may doktor sa loob na titingin at lilingap sa kanila. Sa laya, wala. Kaya marahil, mas ibig nilang manatili sa kulungan hanggang kamatayan. Kung mamamatay sila, wala nang kaanak na mamomroblema sa kanilang pagpapalibing.

Kaya dapat nang matigil ang mga katiwaliang nagaganap sa bilangguan upang maiwasan ang ganyang situwasyon. ‘Yung mga deserving na mapalaya ay huwag nang pag-interesang pagkakuwartahan at ibigay sa kanila ang kalayaang para sa kanila bago dumating ang panahong uugud-ugud na sila.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with