^

PSN Opinyon

Tungkulin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAHATULAN na ang pitong Philippine Coast Guard at isang pulis kaugnay sa pagpatay sa Taiwanese na ma­ngi­ngisda sa Balintang Channel noong 2013. Homicide ang hatol sa walo na may parusang walo hanggang 14 na taong kulong.

Matatandaan na pinrotesta ng Taiwan ang insidente na nauwi sa ilang parusa tulad ng pagbawal sa mga Tai­­­wanese na magbakasyon sa Pilipinas at paghinto ng pag­­­pasok ng mga Pilipinong OFW sa Taiwan. Naayos lang ang sitwasyon nang pormal na humingi ng tawad ang administrasyong Aquino sa pamilya ng napaslang na ma­­ngingisda. 

Ikumpara iyan sa insidente sa Recto Bank na hanggang ngayon ay tila walang ginagawa para maparusahan ang mga tauhan ng barkong bumangga sa Gem-Vir 1 at iniwan na lang ang mga Pilipinong mangingisda. Nasa loob na nga ng EEZ ng bansa, pero wala namang naga­gawa ang PCG.

Kung sasabihin ng PCG na ginagawa lang ng mga nahatulan ang kanilang tungkulin dahil nagnanakaw ang mga Taiwanese sa karagatan natin, bakit walang ganyang kilos para harapin ang mga mangingisda mula China tulad ng paghango ng napakaraming taklobo sa loob ng ating EEZ?

May lumabas ngang report na hinarang ng Chinese Coast Guard ang tatlong sibilyang barko ng Pilipinas na patungong Ayungin Shoal para dalhan ng supplies ang ating mga Marines sa BRP Sierra Madre. Noong Mayo pa naganap ang insidente pero ngayon lang pinaalam ng DND. Walang binanggit sa ulat kung nakaabot ang ating mga barko sa mga Marines. Ang nasabing insidente ay naganap bago ang insidente sa Recto Bank.

Malungkot nga kung ang ating mga coast guard ay nanagot sa nangyaring malungkot na insidente sa Balin­tang Channel. Pagdating naman sa China, wala namang magawa ang coast guard kahit di hamak na mas lantaran ang “pagnakaw ng mga biyayang-dagat” sa loob ng ating teritoryo kumpara sa Taiwan.

Nanalo pa nga ang bansa sa kasong inangat sa UN at dineklara na “karapatan ng Pilipinas ang makinabang sa EEZ nito”. Lumalabas ang tungkulin ng coast guard ay hindi puwedeng ipatupad kapag China na ang kaharap.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with