^

PSN Opinyon

Binago na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NASAGOT din ang tanong ko. Mula sa 2,000 pinalayang bilanggo dahil sa GCTA, 167 lang ang napalaya sa nakaraang administrasyon. Ang karamihan ay pinalaya ng kasalu­kuyang administrasyon. Tatlo ang naging BuCor chief ng kasalukuyang administrasyon. Kung nakakalito ang mga pata­karan sa pagpapalaya ng mga nabilanggo dahil sa “heinous crimes”, bakit maraming napalaya ngayon kaysa noon? Mas maingat ang nakaraang administrasyon sa pagpapalaya ng mga preso.

Binago na ng DOJ at DILG ang “implementing rules and regulations” (IRR) na sinisising dahilan kung bakit maraming­ napalaya sa ilalim ng GCTA. Pero may nagsasabi na sa binagong IRR ng GCTA, maaaring mapalaya pa rin si dating mayor Antonio Sanchez dahil hindi yata saklaw ng bagong IRR. Kaya bumalik lang ba tayo sa pinagmulan ng lahat na ito? Akala ko ba inayos na? Kung hindi rin pala saklaw si Sanchez, paano ang mga pinalaya na?

Naglabas na nga si President Duterte ng pahayag na maglalagay siya ng pabuyang P1-milyon kada isang mahu­huli na mga pinalaya sa ilalim ng GCTA, buhay man o patay. Bukod diyan, itinalaga ang dating jail warden ng Manila City Jail na si Gerald Bantag na bagong BuCor chief. Tapat at may propesyonal na kakayahan daw kaya pinili. Pero ina­resto si Bantag noong 2017 kaugnay sa pagsabog sa Parañaque City Jail kung saan 10 ang namatay na karamihan ay may kasong iligal na droga. Pero walang nangyayari sa kaso kaya siya na ang pinili ni Duterte. Hindi ba ang gusto ngang ilagay ni Sen. Bong Go sa NBP ay “killer”?    

Inamin din ni Duterte na siya ang nag-utos na tamba­ngan si Daanbantayan, Cebu Mayor Loot noong Mayo ng nakaraang taon. Ligtas si Loot at ang kanyang pamilya sa pananambang. Ganun na lang ba kadali mag-utos ng papatayin? O maghihintay muli ng paliwanag mula sa Palasyo?

vuukle comment

GCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with