^

PSN Opinyon

Panibagong sakit sa ulo ang langis

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKALA nating mga motorista ay dire-deretso na ang pagbaba ng presyo ng gasolina. Nakupo, ako’y nadismaya dahil biglang taas ng halos P3 kada litro ng binibili ko para sa aking kotse. Nakakapanlumo ang presyo nga­yon. Sana naman ay marami sa katulad kong moto­rist ang nakapag-full tank bago nagtaas ang presyo ng gaso­lina. Aba mabigat din sa bulsa ang taas presyo.

‘Yan ang mahirap sa ating mga umaangkat ng langis sa Saudi Arabia. Kapag nagkaproblema sila sa produkto nilang langis, damay pati tayo. Wala naman tayong ma­gawa dahil ang problema ay nandun mismo sa kanilang bansa dahil nga binomba ng Iran at Iraq ang kanilang oil depot.

Pero ayon sa Independent Philippine Petroleum Company Association (IPPCA) meron pa tayong natitirang stock ng langis. Sa rami ng sasakyan sa atin, madali lang maubos ‘yan at may ibang makinaryang gamit na ang nagpapatakbo ay gasolina. Sakit talaga ang ulo nating lahat dahil kapag tumaas ang langis sabay-sabay magtataasan ang mga bilihin, ‘di ba?

Kaya maganda nating gawin ay magtipid, Kung kaya nating mag-commute bakit hindi natin subukan. Sinabi ko noon pa na ang matinding traffic ang rason sa mala­king konsumo natin sa gasolina. Tuwing working days P3.5 billion ang lugi natin.

Kung ating babawasan ang paggamit ng ating mga sasakyan ngayon ay puwedeng lumuwag ang EDSA. Ginawa nang lahat ng MMDA ang odd and even numbers, ang nangyari bumili ng panibagong sasakyan ang motorist para makagamit ng sariling sasakyan araw-araw na magkaibang plate number ending.

Huwag pakuya-kuyakoy diyan dahil umpisa pa lamang ‘yan ng pagtaas ng langis. Hindi natin alam kung kailan matatapos ang gulo sa Saudi Arabia kaya umpisa pa lamang ito ng krisis sa langis.

vuukle comment

GASOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with