^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hamon kay Cimatu: Linisin ang Pasig River

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hamon kay Cimatu: Linisin ang Pasig River

NILINIS ni Environment Sec. Roy Cimatu ang Boracay at sa kasalukuyan, nililinis niya ang Manila Bay. At dahil pawang tagumpay ang kanyang mga sini­mulan, sa kanya na rin ipinangangasiwa ni President Duterte ang paglilinis sa maruming Pasig River.

Umaalingasaw sa baho ang dating malinis na ilog na madalas sabihin ng mga matatanda na pinag­lalabahan nila at hinuhulihan ng mga isda. Ngayon ay makapal ang burak sapagkat dito isinusuka ang mga dumi ng pabrika at basura ng mga iresponsableng mamamayan. Malayung-malayo sa dating ilog noon na puwedeng manalamin sa tubig. Ngayon wala nang makikita dahil maitim ang tubig. Hindi na isda ang mahuhuli kundi mga basurang plastic na itinapon ng mga walang pakialam na mamamayan.

Lalo pang umalingasaw ang Pasig River nang kumalat ang balitang may anomalya sa Pasig River­ Rehabilitation Commission (PRRC). Lalo pang bu­maho nang sibakin ni President Duterte si PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia noong nakaraang Lunes dahil sa corruption. Gayunman, iti­nanggi ni Goitia ang paratang at hindi na nagkomento pa ukol sa isyu. Sinabi lang niya na patuloy niyang susuportahan ang Presidente. Nagpapasa­lamat umano siya rito dahil sa pagbibigay ng pagkakataon na maglingkod.

Noong nakaraang Hunyo, naging kontrobersiya ang PRRC nang mapabalita na hindi naisakatuparan o hindi natapos ang rehabilitation projects ng Metro Manila waterways sa kabila na may budget itong P107 milyon para sa 2018. Inaasahang matatapos ang rehabilitasyon subalit hindi umano ito nagkaroon ng katuparan. Ang paglilinis sa mga waterways ay mahalaga sapagkat ito ang dahilan kaya may mga pagbaha sa Metro Manila. Marami sa mga estero at kanal ang barado sa basura kaya walang pagdaanan ang tubig-baha.

Makaraang sibakin si Goitia, inatasan ng Presidente si Cimatu na ipagpatuloy ang paglilinis sa Pasig River. Nangako naman ang DENR Secretary na lilinisin niya ang ilog.

Makakaya ito ni Cimatu sapagkat marami na siyang pinatunayan. Una niyang gawin ay pagbawalan ang mga pabrika at mga taong nasa pampang ng ilog na huwag magtapon ng kanilang basura. Sa pagtutulungan kayang linisin ang Pasig River.

vuukle comment

ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with