^

PSN Opinyon

Matumal ang bentahan ng karneng baboy

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAAWA naman ang mga kababayan nating naapek­tuhan ng sakit na African Swine Fever ang mga alaga nilang baboy. Bukod sa kanila, apektado rin ang bentahan ng karneng baboy sa mga palengke at supermarket. Sigurado akong ligtas namang kainin ang ibinebentang karne sa mga pamilihan dahil dumadaan naman sa matinding inspeksyon bago makarating sa mga tindera o mapa-supermarket man.

Ang nagpalala sa matumal na bentahan ay ang mga patay na baboy na nakikitang palutang-lutang sa Marikina river. Siyempre nagdadalawang isip bumili ng karneng baboy ang mga mamimili lalo na sa mga nakasaksi sa mga patay na baboy. Ang hirap naman kasi sa ating mga kababayan, nag-aalaga hindi man lamang nila inilibing nang maayos ang mga namatay nilang alaga.

Siguro ang iba basta na lamang itinapon sa mga creek at ilog nang walang nakakakita o maaaring inilibing sa mababaw na hukay. Nang sunud-sunod na ang pag-ulan at bumaha, nadaanan ng tubig at lumutang ang mga patay na baboy.

Ngayon may mga lugar sa ating bansa na ang mga nagmamay-ari ng babuyan na pumapatay ng alaga nilang baboy at niluluto pinakakain sa mga tao para ipakita sa publiko na ligtas kainin ang karne ng baboy sa kanilang lugar.

Para sa akin magandang halimbawa ‘yan dahil hindi naman buong bansa ay apektado ng ASF. Hindi rin kasi biro ang mag-alaga ng baboy dahil malaki-laki rin ang puhunan dito. Paano naman kung matengga lang ang mga baboy sa kulungan? Kanya-kanyang paraan para maibenta sa merkado ang mga alaga nilang baboy.

Puwede pa rin namang kainin ang mga karneng baboy ngayon sa pamilihan dahil sertipikado ‘yan ng Bureau of Animal Industry. Kaya lang mas maganda pa rin ang manok, isda at gulay sa ating katawan.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with