^

PSN Opinyon

Binaboy ng titser (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ALINSUNOD sa RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997), pinalawak na ang sakop ng krimen ng rape. Ibig sabihin, hindi lang ang ordinaryong klase ng rape ang tinutukoy na krimen kundi pati ang tinatawag na sexual assault. Hindi na rin gumawa ng pagkakaiba ang batas sa kasarian ng biktima o ng mismong rapist kaya maaari itong gawin maging ng babae o ng lalaki at gayundin, ang biktima ay puwedeng babae o kaya ay lalaki. Ito ay ipinaliliwanag sa kaso ni Jayson.

Isang titser sa elementary si Jayson at tumatayong titser din sa organisasyon ng Boy Scout sa kanilang eskuwelahan. Siya rin ang namamahala sa proyektong manukan ng kanilang eskuwelahan. Isa sa kanyang mga estudyante ay si Paolo, 10-anyos at nasa Grade IV. Isa ring boy scout.

Isang araw, bandang alas sais ng hapon, pauwi na si Paolo nang tawagin ni Jayson sa kanyang opisina sa Boy Scout Headquarters. Inutusan siya ni Jayson na maghubad at sumunod naman ang binatilyo. Walang kamalay-malay ang pobre sa kababuyang naglalaro sa utak ng manyak na guro. Nang makapaghubad si Paolo ay nilapitan siya ni Jayson at pinaghahalikan sa buong katawan. Hindi pa nakuntento ay ipinasok nito ang sariling ari sa bibig ni Paolo.

Hindi makatagal si Paolo at masuka-suka na kaya agad na inalis ni Jayson ang bayag sa bibig ng bata at inutusan na magbihis na ang pobre. Tinakot ni Jayson na sasaktan si Paolo kapag nagsumbong sa nanay nitong si Lilet tungkol sa nangyari. Kaya tumahimik lang si Paolo at hindi nagsalita.

Nagawang paulit-ulit na pagsamantalahan ni Jayson ng may 12  beses si Paolo sa loob ng apat na buwan hanggang magkaroon ng sapat na lakas ng loob ang bata na magsumbong sa ina tungkol sa ginagawa ng titser niyang si Jayson minsan na namamasyal sila sa parke.

Nang sampahan ng 12 kaso ng rape o paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code si Jayson sa ginawa niyang paulit-ulit na pagpasok ng ari sa bibig ng biktima ay todo-tanggi pa si Jayson. Sa umaga lang daw ang klase niya kaya imposibleng molestiyahin niya ang bata bandang alas sais ng gabi. Pero inamin niya na paminsan-minsan ay bumabalik siya sa hapon para pakainin ang mga manok na proyekto at inaalagaan ng eskuwelahan. 

Tumawag siya ng pitong testigo na karamihan ay kaklase ni Paolo, ang janitor ng eskuwelahan, kapwa titser sa eskuwelahan pati guwardiyang alalay ng mga pulis. (Itutuloy)

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with