^

PSN Opinyon

Paliwanag muli

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AGAD naglabas ng paliwanag ang Palasyo. Hindi raw tinatalikuran ang napanalunang desisyon ng Pilipinas sa UN Permanent Court of Arbitration. Ang desisyon daw ay panghabambuhay na kaya hindi puwedeng talikuran o ilaglag na lang. Ang ibig sabihin daw ng ipinahayag ni President Duterte ay hindi na muna pag-uusapan ang nasabing desisyon kapag pinag-uusapan ang joint oil and gas exploration sa Recto Bank.

Naglabas kasi ng pahayag si Duterte na ayon kay Chinese President Xi Jinping, kung bibitawan ng Pilipinas ang napanalunang desisyon sa The Hague, matutuloy ang nasabing proyekto kung saan papayag ang China na animnapung porsyento ang mapupunta sa Pilipinas. Ito raw ang inilatag na kundisyon ni Jinping nong nag-usap sila sa Beijing noong Agosto.

Natural na nagkaroon ng mga masamang reaksyon hinggil sa nasabing kundisyon ng China. Tila 60 percent ang kapalit ng pagbitiw sa karapatan natin sa ating exclu­sive economic zone (EEZ). Bakit? Para magawa na ng China ang lahat ng gustong gawin sa rehiyon at wala nang masa­sabi o magagawa ang bansa?

Kaya naman agarang naglabas ng pahayag ang Pa­lasyo na hindi tatalikuran ang nasabing desisyon, at iba ang nais ipahiwatig ni Duterte. Hindi raw muna pag-u­usapan habang inaayos ang joint exploration na proyekto kung saan makikinabang nang husto ang bansa. 

Pero ano ang katayuan ng China rito? Wala pa ngang naririnig mula sa China tungkol sa kundisyong ito kung totoo nga. Paano pala kung ang gusto ng China ay lubusang ilaglag na ng bansa ang desisyon ng korteng UN? Sa totoo lang tila ito nga ang ipinapahiwatig ng Beijing kaya mas mabuti kung sa kanila na mismo manggaling kung ano talaga ang nais nilang sabihin.

Kung ito nga ang kundisyon, ano na kaya ang sunod na kilos ng administrasyon? Hindi na itutuloy ang paghanap ng langis at gas sa Recto Bank? O hahanap ng ibang kasamang bansa na walang interes sa ating EEZ na pareho lang ang kakayanang maghanap ng langis at gas at ganun din ang hatian? Ano sa palagay ninyo ang kundisyon na mas pakikinabangan ng bansa? 

vuukle comment

RECTO BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with