^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag palubhain ang ASF

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag palubhain ang ASF

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture na nakarating na nga sa bansa ang African swine flu (ASF) at ito ang dahilan nang pagkamatay ng mga baboy sa Rodriguez, Rizal at Guiguinto, Bulacan, dalawang linggo na ang nakaraan. Nagpositibo ang ASF makaraang ipasuri ang mga blood sample ng mga baboy mula sa dalawang lugar. Sinuri ang blood sample sa United Kingdom. Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, 20 blood samples ang kanilang ipinadala sa UK at 14 sa mga ito ang nag-positibo sa ASF. Gayunman, sa kabila na may presensiya ng ASF sa ilang lugar, ligtas ang mga karneng baboy para sa human consumption. Para pawiin ang pa­ngamba, kumain pa sina Dar at Health Sec. Francisco Duque ng mga nilutong karneng baboy.

Mula nang unang mapansin ang pagkakasakit ng mga baboy sa Rizal, maagap na nagkaroon ng checkpoint ang DA at Bureau of Animal Industry para hindi mailabas ang mga baboy. Kailangang may certification mula sa beterinaryo ang mga baboy. Dahil sa maagap na pag-iinspeksiyon, hindi na lumaganap ang ASF sa iba pang lugar. Patuloy naman ang pagmonitor sa mga baboy na inaalagaan sa mga likod bahay.

Ayon sa report, nakarating ang ASF sa bansa dahil sa mga pagkain (gaya ng pork) na dala ng mga fo­reigners na naka-check in sa mga malalaking hotel. Ayon sa isang pinuno ng DA, ang mga tirang pagkain sa hotel ay kinokolekta ng mga may-ari ng babuyan at ito ang pinakakain sa mga baboy. Nang makain ng mga alagang baboy ang pagkain mula sa hotel, nagsimula na ang ASF. Ito umano ang pinaka-numero unong dahilan kaya nakapasok sa bansa ang ASF.

Kamakalawa, limang patay na baboy ang nakita sa isang creek sa Bagong Silangan, Quezon City at hinihinalang may ASF. Maaaring itinapon doon ang mga baboy. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang nagtapon ng mga baboy.

Paigtingin ng DA ang pagmonitor sa mga nag-aalaga ng baboy sa likod bahay. Maaaring hindi na inirereport ng mga ito kung may sakit ang kanilang mga alagang baboy at kapag namatay ay itatapon na lamang. Hindi tama ang kanilang ginagawa sapagkat lalong kakalat ang sakit. Mas malaking problema ang kahaharapin ng bansa. Makipagtulungan ang lahat para hindi kumalat ang ASF. Huwag palubhain ang problemang ito.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FLU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with