^

PSN Opinyon

Kundisyon?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG bibitawan na natin ang napanalunang desisyon sa UN Permanent Court of Arbitration kung saan hindi binigyan ng bisa ang pag-aangkin ng China sa halos buong karagatan, matutuloy ang joint oil and gas exploration ng China at Pilipinas sa Recto Bank kung saan bibigyan tayo ng China ng 60 percent ng anumang mahahango mula sa karagatan. Ayon kay President Duterte, ito raw ang kundisyon na inilatag ni Chinese President Xi Jinping nang magkita sila noong Agosto sa Beijing. Bitawan ang pagkapanalo para matuloy ang proyekto.

Ang basa ko riyan, pandidikta na ng China sa atin. Ipinapakita rin na binibigyan ng halaga ng China ang napanalunang desisyon ng Pilipinas, kahit sinasabi na hindi nila kinikilala ang desisyon. Bakit pinabibitawan pala sa atin kung wala namang halaga sa kanila? Ayon sa desisyon, may karapatan ang bansa na makinabang sa ating exclusive economic zone(EEZ). Ang Recto Bank ay nasa loob ng ating EEZ. 

Hindi naman sinabi ni Duterte na pumayag siya sa kun­disyon ni Jinping. Ibig bang sabihin kung hindi siya pumayag ay hindi na matutuloy, kaya baka mapilitan nang pumayag? Ayon naman kay DFA Sec. Teddy Locsin, wala siyang nabasang ganyang kundisyon nang magpulong sila ni Chinese Foreign Minister Wang Yi at nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU). Siyempre hindi rin napigilan ni Locsin na magpatutsada sa mga umanong traidor na “naglalagay ng kulay pagtataksil sa kasunduan at balang araw, mapapatay rin daw ang mga ito nang buong laya”.

At kung pumayag pala si Duterte sa kundisyon ni Jinping, ano na ang masasabi ni Locsin? Dapat kinausap na muna niya si Duterte at nilinaw ang mga pahayag na iyan kung totoo man o hindi bago magbanta na naman sa mga kritiko ng administrasyon. Kung wala naman ang mga iyan sa nilagdaan na MOU, ano pala itong mga pahayag umano ni Jinping? Seryosong kundisyon iyan. May kapalit ang mabigyan tayo ng 60 percent? Bakit hindi mas malaki? Kung ibang bansa ba ang kasama sa joint exploration, pabibitawan din ba sa atin ang desisyon kapalit ng 60 percent, o mas malaki pa? Isipin na lang.

vuukle comment

RECTO BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with