^

PSN Opinyon

Kawatang stewardess recruiter, Swedish vlogger pala!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MALAKING rebelasyon ang naganap matapos mai-post sa aming YouTube Channel ang istorya ng panloloko ng isang dayuhan sa Pinay ground stewardess na lumapit sa BITAG.

Ang kawatang nagpakilalang American stewardess na si Patricia Stromberg, bogus pala ang identidad. Dahi­l ang mukhang kanyang ginamit, isang Swedish vlogger pala.

Sa BitagOfficial YouTube Channel, sumulat si Joanna André, isang Swedish national at vlogger. Matagal na raw ginagamit ng dorobong nasa likod ng fake international recruitment ang kanyang mukha.

Hindi raw totoo ang pangalang Patricia Stromberg. Hindi niya rin kilala ang Pinay stewardess na nagrereklamo at hindi pa siya kailanman nakatuntong ng Pilipinas.

Ang Pinay stewardess ay nahingian ng P800,000 ni Patricia Stromberg sa pangakong magiging stewardess siya sa United States of America. Subalit imbes pa-U.S.A, sa tanggapan ng BITAG siya napadpad.

Sari-saring dayuhang pangalan ang ibinigay ni Strom­berg na umano’y empleyado ng US Embassy. Ito raw ang mag-aayos ng visa’t work permit ng biktima kaya sa mga pangalang ito niya pinapadala ang pera gamit ang Western Union.

Pinangatawanan ng Pinay ang mukha ni Stromberg­, ilang beses na raw niyang nakausap ito ng personal ga­yun­din sa Skype. Minsan na rin silang nakapag-meet sa mismong airport ng Pinas kung saan naka-duty noon ang nagrereklamo.

Handa ang Swedish nationals na si André na linisin ang kanyang pangalan. Isang teleconference ang nakatakda sa pagitan niya at ng BITAG.

Hindi lang daw ito ang una, pangalawa at pangatlong beses na ginamit ang kanyang mukha sa scam at panloloko online.

Abangan sa Bitag Pambansang Sumbungan, Aksiyon Ora Mismo at sa BitagOfficial YouTube Channel ang mga susunod na update at development sa kasong ito.

vuukle comment

PATRICIA STROMBERG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with