^

PSN Opinyon

EDITORYAL - POGO rito, POGO roon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - POGO rito, POGO roon

DUMARAMI ang online gambling operators sa bansa na nasa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Pawang mga Chinese ang nag-ooperate kaya naman mga Chinese din ang kanilang mga empleyado. Mga Chinese ang customer kaya kailangan na marunong magsalita ng Chinese ang empleyado. Dahil dito, parami na nang parami ang mga dumarating na Chinese sa bansa. Ayon sa report, mula 2017 hanggang sa kasalukuyan, umaabot na umano sa 130,000 Chinese ang nasa bansa na pawang naka-employ sa POGO.

Mula nang mag-operate ang POGO, kumita na nang malaking pera ang bansa dahil sa ibinabayad na buwis ng online gambling operators. Ayon sa report, kumita ang bansa ng P579-million noong 2018 dahil sa ibinayad na buwis. At ngayong 2019, umabot na sa P789-million ang ibinayad na tax sa unang tatlong buwan lang. Bago matapos ang taong kasalukuyan, tinatayang P9-billion ang babayaran ng mga gambling operators.

Sa laki ng ibinabayad na tax ng online gambling operators, mapopondohan ang mga proyekto ng gobyerno lalo na ang “Build, Build, Build, Program”. Natutuwa rin naman ang mga may-ari ng lupa sa paligid ng POGO sapagkat tumaas ang value ng kanilang lupa. Marami umano sa mga negosyanteng Chinese ang bumibili ng lupa kahit mahal ang presyo. Pinatatayuan ito ng mga bahay at condo para tirahan ng mga empleyado ng POGO.

Pero kung may magandang dulot ang POGO dahil sa malaking ibinabayad na tax, mayroon din namang ikinababahala sa pagdami nito. Maaaring maging banta sa seguridad ang pagtatayo ng mga POGO, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Ayon sa Defense secretary, mapanganib ang paglalagay ng POGO sa malapit sa military installations gaya ng Camp Crame at Camp Aguinaldo sa Quezon City; Villamor Airbase sa Pasay City at ang headquarters ng Philippine Army sa Taguig. Ayon pa kay Lorenzana, maaaring magamit na spy ang POGO workers para sa China.

Noong nakaraang linggo, hiniling ng China sa Pilipinas na itigil na ang online gambling sapagkat pawang Chinese ang nalululong dito. Mahigpit na ipinagbabawal sa China ang online gambling. Pero sabi ng Pilipinas, hindi maaaring diktahan ng China ang may kaugnayan sa online gambling sapagkat may impact ito sa ekonomiya ng bansa.

May masama at buting idinudulot ang POGO. Mas mainam kung kontrolin na lang ang pagdami nito. Huwag bigyan ng permiso lalo pa’t kung kahina-hinala ang pakay at baka madamay ang security ng bansa.

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with